Kabanata III

6.4K 152 4
                                    

*Angela POV*

Nang makarating ako sa hapagkainan nakita ko ang mga linuto nito.

Adobong manok..tinupad talaga niya ang sinabi niyang ngayong gabi ito ang ulam namin.

Tahimik lang akong kumain saka pumunta na ng kwarto.

Nag Facebook muna ako.

*You have one message*

Nicole: Girl nabalitaan naming niligtas ka daw ni fafa Michael kanina your so lucky..

Oo nga pala naalala ko na naman ang kanina.

Kaya't wala sa sariling napangiti ako.

Di ko na nereplyan si Nicole at nag scroll sa news feed ko.

Habang nag scroll may napansin akong picture.

*Michael Von Rodriguez and his secret girl at the bar*

Teka ako ito ah? Ito yung time na hinatak ako ni Michael palabas ng bar.

How come na may nag post agad nito ilang Oras pa lang ang nakakaraan.
May mga paparazzi ba si Michael?

Sabagay sino ba naman ang hindi mawawalan ng paparazzi he's famous and came from a rich family.

Tiningnan ko naman ang mga comments..puro mga panghihinayang galing sa mga babaeng nagkakagusto sakanya.

*You have one message*

Nicole: Girl ikaw ba ang girl na kasama ni fafa Michael sa picture?

Tsk. Chismosa.

Hindi ko na nereplyan nakakatamad..agad ko namang ni log out yung account ko saka humiga sa Kama.

Nagisip-isip ako..ang daming nangyari ngayong araw.

Di ko napansing nakatulog pala ako.

~Dream~

Nandito ako sa beach!

Wait beach? Pano ako napunta dito?

Habang litong nagiisip kung bat ako napunta dito ay may napansin akong tumatakbong bata papunta sa karagatan..

Tiningnan ko lang ang batang masayang namumulot ng sea shells sa tabi ng dagat.

Napakapayapa ng dagat..even the air it's so relaxing.

Then naramdaman ko ang pag uga ng lupa.

Earthquake!

Ilang sandali lang ito bago tumigil kaya't nakahinga naman ako ng maluwag.. nakita ko naman ang batang nakatingin sakin..

Nang mapansin kong sa likod ng bata na umaatras ang tubig dagat..nakikita ko ang pag pitik pitik ng mga isda sa tabi.. napatingin ako sa bata na ngayon ay parang humihingi ng tulong..

Nakita kong nag form ang dagat..

Tsunami!

Napakataas nito..parang may hinihintay pa itong sign para bumulusok agad papunta sa kinatatayuan namin.

Kung gaano pala kapayapa kanina ng dagat yun naman ang ikinabagsik nito.

Nakakatakot..kaya't tumakbo na ako at naghanap ng mataas na lugar kung saan hindi maabot ng dagat.

Nakita kong bumubulusok na ito papunta saakin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko.

Habang tumakbo naalala ko yung batang babae..bigla naman akong nakonsensya sa nangyari...di ko manlang natulungan yung bata.

Then biglang nagbago ang paligid..nasa isang maliit na bangka ako..at nasa gitna ng isang madilim at walang hanggang karagatan.

Then I hear screams, humihingi sila ng tulong..umuungol dahil sa sakit na nadarama.

Hanggang sa napansin ko paggalaw ng bangkang sinasakyan ko.. kaya't napakapit ako ng mahigpit dito.

Napansin kong may lumalangoy patungo sakin.

"Miss tulong..tulungan mo ako" Sabi ng isang lalaki ng makalapit Ito sa bangkang sinasakyan ko.

Lumiwanag ang kalangitan..dun ko napansin ang maraming tao ang papunta sa bangka ko.

May lumubog bang barko?

Napatingin naman ako sa lalaki ng mapasigaw ito sa sakit.

Piranha!

Kita kong kinakagat siya ng mga piranha..oh my god!! Di ko kayang makita to..tinakpan ko nalang ang mata ko para hindi makita ang ginagawa ng mga piranha sa lalaki.

Napansin ko ang pag galaw galaw ng dagat..

Umaalon alon na..Hindi ko na mahagilap ang lalaki kanina..

Nasaan na yun?

Biglang kumidlat..kaya't napasigaw ako sa gulat..napansin ko namang kumidlat sa bahagi ng mga taong papalapit sakin..

Nakita kong tumatama sa kanila ang kidlat..oh my God!!

Hanggang sa isang malaking alon ang nakapagpataob sa bangkang sinasakyan ko.. nasugatan pa ako sa paa.

Naghanap ako ng makakapitan..oh my ang lamig!!

Takot na napatingin ako sa dagat..nakalimutan ko may mga piranha pala dito..

Ngunit hindi piranha ang dumating..isang pating..no Hindi lang isa kundi tatlong pating..papalapit na sila sakin.

Oh gosh!! No please!!

NOOOOOOOOOOOO!!!!!!!

"NOOOOOOOOOOOO!!!!" gulat na sigaw ko.

Napabangon naman ako..

Hayyst..napahilamos naman ako ng mukha... umaga na pala.

Bakit ba lagi nalang akong binabangungot ng ganito?

Pag nagising naman ako makakalimutan ko naman agad..

Weird!

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.

Nakapagtatakang walang maingay sa bahay, walang nagluluto ng umagahan..

Narinig kong may umubo sa likod  ko kaya napatingin ako sa likod ko..si mama pala..mukhang hindi maganda ang pakiramdam.

Tinatrangkaso yata! Namumutla na siya eh tsaka matamlay.

Tumingin ito sakin saka pilit na ngumiti.

"Oh anak pasensya na hindi ako nakapagluto agad sandali magsasaing muna ako" Sabi niya  bago pumunta ng kusina.

Hindi ako nagsalita at tiningnan lang siya.

"Anong gusto mong ulam nak?" Matamlay na tanong nito sakin.

"Wag na magpahinga ka muna sa kwarto mo, pagalingin mo muna sarili mo" Sabi ko dito.

"Sigurado ka nak?" Tanong nito, saka umubo pa.

"Oo sa school nalang ako kakain" Sabi ko dito saka bumalik ng kwarto ko.

Matapos kong mag ayos pumunta muna ako sa pinakamalapit at pinakapaborito naming tindahan..

Ang tindahan ni Aleng Bebang.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon