Kabanata VI

5K 135 0
                                    

*Angela POV*

"The president decided to punished the two of you to clean the whole school whole week..but since nag-usap si Michael at ang kanyang Ama na wag kayong pahirapan the president assign the both of you to every part of the school and decrease the days of punishment into 3 days so consider yourselves lucky..so ikaw Trisha sa mga cubicles ng school ikaw naman Angela sa mga lockers at buong gymnasium..and as for miss Trisha tutulungan siya ng kanyang mga kaibigan total nag volunteer naman sila na tulungan siya your punishment will start next week, dismissed." Sabi ni miss principal.

Nauna na akong lumabas ng office ni miss principal.

Bumalik ako ng room saka kinuha ang bag ko di muna ako papasok.

Naglakad na ako papuntang gate at gumawa ng palusot sa mga guard na nakabantay Doon buti nalang at pinayagan nila ako kaya't lumayo ako sa gate at mag-abang ng Jeep o tricycle kahit minsan lang dumaan ang mga iyon dito sa school.

Sa paghihintay ng masasakyan biglang may pumarang itim na van sa harap ko..may nagsilabasan naman doong mga taong may takip ang mukha..

Bigla nalang nila akong hinatak saka pinasakay sa van.

"T-tulong, tulungan niyo ko" sigaw ko ngunit walang may nakarinig dahil narin sa class hours pa at malayo ako sa gate kung saan andun ang mga guard.

"Bitiwan niyo ko ano ba?" Inis na sabi ko habang nanlalaban..

Sinikmuraan naman ako ng isang lalaki saka may pinaamoy na hindi kaaya-aya na naging dahilan ng pagkakahimatay ko.

~dream~

Andito ako sa isang kagubatan..tahimik, malamig at nakakatakot dahil mukhang sasapit na ang dilim.

Pano ako napunta dito? Dito ba ako dinala ng mga kidnappers kanina?

Nag-umpisa na akong maglakad baka sakaling makita ko ang exit sa forest na toh.

Habang naglalakad napansin kong nagliparan ang mga ibon sa himpapawid.

Di ko nalang iyon pinansin..

Habang naglalakad napansin ko ang pagiba ng aura ng paligid.

Napatingin naman ako sa likod ko ng mapansing may nagtutumbahang kung anong bagay.

Nakita ko kung paano tunawin ng hamog ang mga punong nadadaanan nito..

Nakita ko naman ang isang kuneho na sugatan at nahihirapang tumakbo dahil sa sugat nito at nakatingin sakin na parang nagmamakaawang tulungan ko siya.

Nag pabalik balik ang tingin ko sa hamog at sa kuneho..

Ngunit mas pinili kong tumakbo kaysa tulungan ang kuneho..papalapit na ang hamog saakin..kaya't takbo lang ako ng takbo..how on Earth this thing happen?

Bigla nalang akong napatid sa isang ugat ng puno..ouch ang sakit nakita ko namang may sugat iyon kaya't pinilit kong ininda ang sakit saka nag patuloy sa pagtakbo..oh my..malapit na ito sakin.

Kaya't kahit iika-ikang tumatakbo mas binilisan ko pa ito.

Nakita ko naman ang labasan ng gubat kaya't nagbigay ito ng pag-asa sakin.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa makalabas ako ng gubat.

Ngunit napatigil ako sa pagtakbo at muntik nang mahulog ng malamang bangin na ang dulong iyon.

Oh gosh katapusan ko na..

Nakita ko namang papalapit na ang hamog kaya't napagdesisyonan kong tumalon nalang total tubig naman ang sasalo sakin sa dulo ng bangin.

Nakapikit na tumalon ako ng bangin at hinintay na maramdaman ang lamig ng tubig..

Ngunit hindi ko naramdaman iyon bagkos ay na narinig ko ang mga huni ng kuliglig sa paligid, mga kaluskus at lamig ng hangin.

Napamulat ako ng mata at nakitang bumalik lang ako sa kung saan ako kanina naroroon.. ngunit mas naging kakilakilabot na ang paligid ngayon kesa kanina.

Nag-umpisa akong maglakad hanggang sa makarating ako sa lugar kung saan napatid ako kanina.

Nakarinig naman ako ng sigawan..mga taong humihingi ng tulong mga tumatangis at umuungol dahil sa sakit na nadarama.

Sinundan ko iyon hanggang sa makarating ako sa bangin kung saan andun ako tumalon kanina.

Nakita kong makapal ang hamog na nasa dulo ng bangin..

Nakita kong tinulak ng isang lobong may pulang mata ang isang lalaki sa bangin at kitang kita ng mata ko kung paano ito natunaw at sumisigaw sa sakit..

Nakita ko namang may mga taong pilit na tumatakas ngunit kinakagat lang ito ng lobo.

"Grrrr....." Huni ng isang nilalang sa likod ko kaya't napatingin ako sa likod ko.

Nakita ko ang isang lobong nanlilisik sa galit at handa na akong lapain.. oh gosh..bigla itong umuwang..ilang sandali lang nagdatingan ang ibang kasamahan nito..

Letse nagtawag pa ng kasamahan.
Tinulak tulak nila ako palapit sa bangin..

No!!! Ayoko please!!!!! Tulong!!!!!

Tinulak nila ako ng malakas na naging dahilan ng pagkakahulog ko.

No!!!!!!!!

~splaaaaassssshhhhhhhhh~

May nagtapon sakin ng tubig..

Sila Trisha and friends lang pala..

"N-nasaan ako?" Nanghihinang sabi ko..napamgiwi naman ako ng maramdaman ang sakit sa kung saan ako sinikmuraan ng lalaki kanina.

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon