Kabanata XIV

4K 103 1
                                    

*Angela POV*

Isang linggo na akong naghahanap ng trabaho ngunit walang may tumatanggap sakin.

Kahit kasi kakatapos palang ng klase umaalis agad ako para maghanap ng trabaho ang karamihan kasi full time.

Eh kamusta naman ako part time lang ang pwede dahil nag aaral pa ako.

Hayy hirap talaga..

Heto ako ngayon sa school nag-iisa..
At yung lunch as always biscuit na naman lalo nat wala na akong trabaho kailangan tipid talaga.

Andito ako ngayon sa garden ng school! Nakaupong kumakain sa may bandang puno..Wala namang masyadong pumupunta ditong mga estudyante kaya dito na ako nagpunta.

Pagkatapos kong kumain sumandal muna ako sa likod ng puno grabe nakakaantok.

This past few days kulang ako ng tulog..Ikaw ba naman uuwi ng dahay alas 10 na tapos gigising pa ng maaga para sa paghahanda papuntang school.

Ilang sandali lang dinalaw na ako ng antok kaya't napapikit nalang ako hanggang sa nilamon na ng kadiliman.

~dream~

Andito ako sa makulimlim, mahamog, tuyot na lupa at mga puno na tuyo at wala nang dahon..

Anong meron dito?

~SssssssSssssss~~SssssssSsssssss~

Ano yun?

Nakita ko naman sa di kalayuan sakin ang isang pares ng pulang Mata.

~SssssssSssssss~~SssssssSsssssss~

Parang tunog yun ng isang hayop?

Nakita ko namang may paparating na malaking ahas?

Oh my? Pwede na itong kumain ng isang buong tao.

Tumakbo lang ako ng tumakbo.

Nakita ko pang kasunod ng mga uwak ang ahas na papalapit sakin..

Para bang itong ahas ang kanilang pinuno.

Di ko naman alam na may bato pala kaya nadapa ako..

Tinuka tuka ako ng mga uwak..at mapapansin ang mga sugat na ginawa nila..marami naring dugo ang lumalabas..para bang ang mga tuka nito ay matatalim na madaling makasugat sa isang tuka lang.

Nakita kong papalapit na sakin ang ahas.

Nagbigay daan naman ang mga uwak sa ahas na makarating ito sakin.

Katapusan ko na ba?

Nakita kong nasa harapan ko na ito at nakabuka na ang bibig at handa na akong kainin.

Ayoko? Ayokong mamatay sa ganitong paraan!

Napapikit nalang ako at hinintay na maramdamang kainin ako nito..ngunit Wala!

Wala akong naramdamang nasa loob na ako ng tiyan nito..napamulat naman ako ng Mata..

Wala akong nakitang ahas..ngunit mas bumigat ang awra ng lugar..mga kaluskus mga nakakatakot na huni at mga nanlilisik na Mata ng mga itim na uwak.

Nawala rin ang mga sugat at dugo na natamo ko kanina.

Ilang sandali lang biglang nagliparan ang mga uwak at naramdaman ko ang paggalawa ng lupa..

Hanggang sa napatingin ako sa langit ng may makitang mumunting ilaw ngunit nanlaki ang mga Mata ko ng mapagtanto kung ano Ito.

Gosh!! Umuulan ng mga bulalakaw..

Ano Ito?

Takbo lang ako ng takbo ng mapansing malapit na ako nitong tamaan..

Para bang sumunod ito sakin at kung hindi pa ako iilag ako mismo Ang matatamaan.

Napansin kong hindi lang pala ako ang tumatakbo marami kami..meron pang iba na umiiyak..nagmamakaawa..humihingi ng tulong..at umuungol dahil sa sakit na nadarama.

Nakita ko pang may ibang tumatakbo na natatamaan din ng mga bulalakaw, may iba na naiipit, may iba na nadaganan.

Ano bang nangyayari?

Sa hindi ko malamang dahilan kanina pa pala ako nakahinto at huli na ng makatakbo ako dahil papalapit na sakin ang bulalakaw..

Natulala nalang ako at tila napako ang mga paa ko sa lupa at hindi ko na Ito maigalaw pa upang iwasan ang bulalakaw..

No!!

Papalapit na ito sakin kaya't napapikit nalang ako!

No!!!

"No!!!" Sigaw ko..

Napansin ko namang andito pa ako sa garden.

Buti nalang nung sumigaw ako kanina walang tao kaya walang kahihiyan sakin.

Tiningnan ko naman ang oras at ilang minuto nalang ay magsisimula na ang panghapon na klase ko..

Minadali kong kunin ang bag ko saka pumunta na ng classroom..

Buti nalang at nakakasabay ko lang ang teacher na dumating sa room kaya't dali dali akong pumunta sa upuan ko.

As usual hindi parin kami nag papansinan nila Mae at Mina.

Hanggang sa last subject na namin..

"Okay class we will be having a debate today so group yourselves into two groups and I'll tell you about the topic of each group" Sabi ni ma'am.

As usual hindi maiiwasan sa isang school ang mandaya imbis na sa ibang group sila pumunta pa sila sa kabila kaya ang ending bumalik kami saaming mga seats at nag counting nalang para walang dayaan.

Ayon naayos din..

"Okay, now that you have your groupings let's start from group 1 your topic is Mind and group 2 Heart pwede ring lagyan niyo ng twist" nakangiting sabi ni ma'am.

Hay nako kahit na group 2 ako para sakin equal lang naman ang kalalabasan..pero bakit pa gustong gawin ni ma'am itong topic para pag debatehan ng magkabilang panig kung alam na niya ang sagot.

"Okay class, the debate for Mind and Heart will start now!! Rock-paper-scissor kayong mga leader ng magkabilang grupo" Sabi ni ma'am.hayy nako.

______________________________________________

Ms. Winter Rose







Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon