Kabanata XXVI

3.1K 95 2
                                    

*Angela POV*

Papalabas na ako ng hospital nang may humawak sa braso ko.

"Hey baby I'm sorry" Sabi nito.

Hindi ko ito pinansin at tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko tsaka magpapatuloy na sana sa paglalakad ng yumakap ito sa likod ko..

"Kyaaaahhhh nakakakilig sila"

"Nagtatampo ata si ate girl sa boyfie niya"

"Gusto ko tuloy makita ngayon ang boyfriend ko"

"Sana ganyan ka sweet ang nobyo ko"

"Ang sweet nila, nilalanggam ako"

"Kinikilig ako! Dalhin niyo ako sa ospital"

"Gaga andito kana sa hospital"

Blah Blah Blah..

Napayuko ako sa mga naririnig ko..di ko pala napansin na sana may entrance kami ng hospital not knowing na maraming tao dito.

Bat ba nangyayakap ang lalaking toh?
Nakakahiya maraming nanunuod.

"Bitaw!" Galit na sabi ko.

"Sorry na kasi!! Patawarin mo na ako" Sabi nito ng may paglalambing.

"Bitaw na sabi eh!" Napalakas na boses kong sabi.

"Sorry na please" lumakas din ang boses nito saka ipinatong yung nguso nito sa balikat ko kaya't napatingin ako at nakitang naka puot ito.. sigurado rin akong narinig yun ng mga taong nakapalibot na saming nanunuod yung sinabi niya.

"Patawarin mo na siya miss"

"Oo nga! Naglalambing na nga yung boyfriend mo eh!"

"Ang sweet talaga nung guy"

"Ang cute niya mag puot oh!"

"Bagay na bagay sila"

"Pakipot pa si girl oh"

Nag-iinit na naman ang pisngi ko dahil sa mga naririnig.

"Oo na!" Pagsuko ko.

"Are you sure!" Sabi nito..saka umayos ng tayo.

"Oo nga!" Sabi ko dito sabay irap.

"Umiirap ka eh!" Parang batang sabi nito.

"Gusto mo bawiin ko ang sinabi ko kanina" malditang sabi ko

"Ayaw!" Parang batang sabi nito.

Tinarayan ko lang ito.

"Tapos na po ang palabas napatawad na po ako ng girlfriend ko" sigaw nito sa mga tao..narinig ko naman ang sigawan at palakpakan ng mga tao.

Magpapatuloy na ulit ako sa paglalakad palabas ng hospital ng hinila ako nito paharap sakanya saka ako hinalikan sa noo.

Narinig ko ang sigawan pa ng mga tao tsaka palakpakan..

Dahil sa hiya bigla akong napayuko saka tumakbo palabas.

"Nahiya ang girlfriend ko!" Narinig ko pang sabi ni Michael na ikinatawa ng mga Tao.

Hayyst naman...sobra-sobrang kahihiyan na ito.

~fast forward~

Today is Friday and next week is the start of our foundation day slash 67th anniversary of Heaven's Angels University.

Dahil sa busy ang lahat sa bawat booth ng bawat department sinuspende ng president ang klase para lang makapaghanda ang mga estudyante ngayong araw.

Pinasabay na rin sa foundation day ang laban ng mga athletics ng school at sa ibang school..kaya't open ang Heaven's Angels University next week para iwelcome ang mga bisita sa iba'ibang school.

Kaya hindi ko ngayon makita si Michael dahil puspusan ang pag tetraining nito sa basketball..lalo na at mag sisimula na next week ang foundation day.

Andito ako sa booth ng section namin.. kailangan daw na bawat department may booth pati narin sa bawat section ng isang department para mas maraming booth ang pagpilian ng mga estudyante.

Isang mini Iced tea and Coffee shop ang booth namin na may mga mangilan ngilang tables at upuan at hindi lang coffee ang ibinebenta pati narin mga inumin na malamig at mga cupcakes.

Ito lang ang naisip ng president namin na gawing booth dahil masisigurado pa na ang mga binebenta namin ay mabibili agad..may trophy at price din ang mapipiling pinakamaganda at mabentang booth na ia-announce sa last day ng foundation at yun ay sa Anniversary ng school kasabay rin na  paparangalang ang mga outstanding students ng University.

Kaya't sobra ang pagka excite ng mga estudyante sa darating na foundation day..

Andito ako ngayon sa pwesto ng booth namin naitayo narin ang tolda namin kaya't ang ibang mga kaklase ko nag uumpisa nang ayusin ang mga renentahang tables at chairs.

Nag ambag-ambag narin ang kami para sa gagawing coffee at cupcakes..syempre yung unang salary ko kay Michael ang binawasan ko para pang-ambag sa booth..total may susunod pa namang sahod.

May sumigaw na kaklase ko ng pangalan ko kaya napalingon ako dito.

"Angela pakihawak nga nito" Sabi nito..ilang sandali lang,

"Angela padala naman nito" Sabi ng isa,

"Angela paabot kay Luis" sunod na sabi naman ng isa,

"Angela pwede palinis ng mga tables na naayos na" Sabi ng isa,

"Angela ibili mo nga kami ng maiinum" Sabi ng president namin.

Ang daming mga utos sakin sunod-sunod pa.

Kaya't ginawa ko muna ang unang utos sakin..kaysa naman wala akong gawin mapagalitan pa ako.

Ilang sandali lang nilinis ko na ang mga tables na tapos nang ayusin nang matapos ako saka ako pumunta kay president at humingi ng pera pambili ng inumin nila.

Nakita ko itong walang ginagawa at nakaupo na sa tables at chairs na nilinisan ko.

Inilahad ko ang kamay ko para humingi ng pera na pinapabili niya.

"Ano yan?" Maarteng sabi ng nobya nito..ohh I forgot lalaki pala ang president namin kaya't ngayon may gana pa silang maglandian ng nobya nito.

Hayy buhay!!

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon