Kabanata XLIV

2.6K 76 1
                                    

*Angela POV*

Andito ako ngayon sa school..well pumasok na ako kasi halos isang buwan na ako dun sa ospital..at one month narin akong absent sa school kaya't kailangan kong humabol.

Pagkarating ko ng room nakita ko agad sina Mina at Mae..kaya't nakangiting lumapit ako sakanila.

"Hello!! Sorry about the last time na nagtalo tayo guys!! I'm sorry" Sabi ko sakanila.

Tumayo naman silang dalawa saka sabay nila akong niyakap..

"I'm sorry din!!" Naiiyak na Sabi ni Mae.

"Sorry Angela!!" Sabi naman ni Mina.

"Wag na nga tayong magiyakan dito baka dumating na si ma'am maabutan pa tayo dito na ganito ang itsura" natatawang Sabi ko sakanila.

Natawa naman sila saka sabay kaming umupo sa mga upuan namin.

~fast forward~

Pauwi na ako ng bahay ng mapansing kong may nakasunod sakin..

Napalingon ako sa likod ko ngunit wala naman kaya't nagkibit balikat nalang ako.

Kanina sinabi ko rin kina Mina at Mae ang about kay God ngunit katulad ng kay Vincent tinawanan lang rin nila ako.

Hayy nako!!

~Ang tanging alay ko sayo aking ama,
Ang buong buhay ko puso't  kaluluwa,
Hindi makayanang maipagkaloob
Mamahaling hiyas
Nigintong nilukom
Ang aking dalangin
O Diyos ay tanggapin
Ang tanging alay ko nawa'y gamitin
Sayo lamang ama
Wala nang iba pa
Akong hinihiling~

Pagkanta ko habang naglalakad papasok sa isang eskinita.

Naghum nalang ako habang nakanta ng may biglang humatak sakin at tinakpan ang bibig ko kaya't hindi ako makasigaw.

Nagpupumiglas ako sa pagkakahawak ng misteryosong tao na ito.

Bigla niyang tinanggal Ang pagkakahawak niya sa bibig ko..akmang sisigaw na sana ako ng hindi ko iyon naituloy dahil naramdaman ko ang pagdampi ng malambot na bagay sa labi ko..

Bakit pamilyar sakin ang amoy nito?
Bakit pamilyar sakin ang mga halik nito?
Bakit parang may kulang saakin na hindi ko lubos mapagtanto kung ano ito?

"I miss you baby" Sabi nito saka pinaglapat ang mga noo namin.

Bigla nalang akong napahikbi..Sino ba ang lalaking ito?

"Hush now baby! It's alright! It's just me" Sabi nito..

"S-Sino ka?" Tanong ko dito.

"I'm, I'm part of your past..you forgotten me baby" Sabi nito..

Umiyak lang ako ng umiyak.

"Bakit? Sino ka ba sa buhay ko? Bakit feeling ko isa ka sa malaking parte ng buhay ko na nakalimutan ko" umiiyak na sabi ko.

"It's okay baby as long as I can see you from afar" Sabi niya..

"Nguni----" naputol ang sasabihin ko ng bigla niyang inilagay ang daliri niya sa bibig ko.

"See you again baby, I'll be back I promise" Sabi nito..saka ako hinalikan kaya't napapikit nalang ako hanggang sa maramdaman ko nalang na wala na pala siya sa harap ko.

Pagkarating ko ng bahay bigla nalang may kalabog akong narinig.

Agad akong pumasok tsaka ko lang nakitang nagkalat ang mga gamit namin sa buong bahay.

"Ma? Pa? Asan kayo?" Nag-aalalang tanong ko..ngunit walang may sumagot.

Hanggang sa may mga imaheng nagpakita saaking isip.

Mga taong humihingi ng tulong sa impyerno..mga kalamidad na paparating, mga pagtangis ng mga taong humihingi ng tulong..

Bigla ko nalang maramdamang may sumaksak sakin sa likod ko..

Sila mama!!

"Ma? Bakit?" Naiiyak na Sabi ko.

Napansin ko namang iba ang kulay ng Mata nila mama at papa..Ang dating kulay tsokolate ngayon ay dugong pula na.

"Anak nagsimula na sila" Sabi niya saaking isip.

"Ano pong dapat kong gawin?" Kinakabahang Sabi ko.

"Feel your presence at ipadala mo ang nais mong sabihin sa bawat nilalang sa mundong Ito" Sabi niya.

"Masusunod ama" Sabi ko..

"Malapit na anak malapit ko na kayong makasama" Sabi niya.

Pumikit ako at dinamdam ang kakaibang inerhiyang natipon ko..

Bigla nalang akong nagliwanag habang nararamdaman kong nawawala na ang kirot ng sugat ko na sinaksak kanina.

Pakiramdam ko ang gaan gaan ko..

Inilabas ko lahat ng nais kong sabihin sa mga tao hanggang sa nanghina na ako at nahulog sa ere.

Hinihintay ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa lupa ngunit mga matitikas na bisig ang sumalo sakin.

"Good job baby!! Go sleep now everything will be fine" Sabi nito kaya't napapikit nalang ako hanggang sa inanod na ako ng antok.

~dream~

Nakikita ko ang aking sarili sa gitna ng digmaan kung saan mula sa langit na mga anghel ay bumaba para makidigma at puksain ang mga demonyong nasa lupa..

Sakay ang mga anghel ng mga puting kabayo..nakapandigma silang kasuotan at may mga dala din itong sibat, espada, pana at iba pa.

Anong nangyayari? Naganap na ba?

Napukaw ng mata ko ang isang kakaibang anghel..

Itim ang pakpak nito at kasama siya ng mga Angel na pumupuksa ng mga demonyo.

Ngunit napansin ko ang nasa likod nito..may isang lalaking nakatutuk ang sibat nito sa anghel na may itim na pakpak..

Nataranta ako ng mapansing ihahagis na nito ang sibat papunta sa anghel na yun..kaya't inisip ko na makarating ako sa kinaroroonan ng lalaki.

Nakita kong inihagis ng lalaki Ang sibat nito hanggang sa napansin ko nalang ang sarili kong hawak hawak ang sibat na nakatusok sa tiyan ko.

Napaubo naman ako ng dugo..naramdaman kong may sumalo sakin nung natumba ako..

"Baby hold on!! Baby" Sabi nito..nakita ko naman na tumulo ang mga luha nito.

Pinunasan ko ang luha nito tsaka ngumiti.

"Mahal Kita" nakangiting sabi ko tsaka ako tuluyang pumikit.

Napunta ako sa walang hanggang kadiliman..may naririnig akong mga pagtangis sa paligid ngunit wala akong makitang kahit ano kundi purong kadiliman lang.

Nasaan ako tulong tulungan niyo ako!!

______________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon