Kabanata XV

3.9K 111 2
                                    

*Angela POV*

Nag rock-paper-scissor naman ang magkabilang grupo dahil nga sa karamihan sa mga kaklase ko ay sipsip ayon halos magtalo-talo na sila.

Is that the real debate? eh kulang nalang kasi magsuntukan at sabunutan nalang ang magkabilang grupo dahil sa bawat topic nito.

Pake ko ba sakanila.
Andito lang namam me
"Utak ang mas mahalaga dahil Wala ka namang utak" Sabi ng kabilang panig.

"Bakit wala ka bang puso?" Sabi naman ng aming panig..

Oh diba? Mga pilosopo lang.

"Utak ang mas mahalaga alam niyo kung bakit? Kasi kung gagamitin natin ang utak natin di tayo mapupunta sa maling tao" Sabi ng kabilang panig..ay humuhugot si ateng!!

"Pero kung gamitin natin ang ating puso dun natin nalalaman ang salitang pagmamahalan na kahit sa maling tao ka pa umibig wala kang magagawa dahil sa taong iyon tumibok ang puso mo" Sabi naman ng aming panig..nako naman ngayon humuhugot na sila.

"Pano mo nasabi eh sa maling tao ka nga napunta" Sabi ng kabilang panig.

"Utak ang kumikilatis ngunit ang puso natin ang humuhusga pano pala kung sinisiraan lang siya ng mga tao kaya naiisip ng utak natin na maling tao ang napili ng ating puso" Sabi ng aming panig..
Oh well may point din siya.

Magsasalita na sana ang nasa kabilang panig ng tumayo at inawat na ito ni ma'am.

"Okay class!! I get it!! But there's someone I wanted to know it's Answer" Sabi ni ma'am..Sino ba ito?

Tumahimik ang buong klase saka hinintay ang sasabihin ni ma'am.

"Miss De Hesus can you answer my question?" Tanong ni ma'am sakin grabe nakakagulat bakit ako pa ayoko ngang sumali kanina ako pa ang napiling sumagot.

"Y-yes ma'am" utal na sabi ko.

"Well kung tatanungin kita anong pipilion mo Isip o Puso?" Tanong ni ma'am..napatingin naman sakin ang mga kaklase ko at hinihintay ang sagot ko..napayuko naman ako.

"Equal." Nakayukong Sabi ko.

"Ohh! Interesting!! Why did you say it's equal?" Tanong ni ma'am.

Umangat ako ng tingin at tiningnan ito sa Mata.

"Equal. Dahil pareho natin itong kailangan sa buhay, dapat pareho natin itong pairalin sa ating sarili ng walang lamangan..kailangan ng isip ang puso at kailangan rin ng puso ang isip in short pareho lang nilang kailangan ang isat-isa..gosh inulit ko lang.minsan mang pina-iral ang isip pero puso mo naman ang masasaktan ngunit pag puso naman ang pairalin kahit alam mong mali pina-iral mo parin ang iyong puso na naging dahilan na maraming huhusga sayo kasi di mo ginamit ang isip mo in short kailangan nating ibalanse ang ating isip at puso ng sa ganun makagawa tayo ng tamang desisyon na hindi natin kailanman pagsisisihan sa huli" mahabang paliwanag ko.

Nakangiting napapalakpak si ma'am at sinundan naman ito ng mga kaklase ko.

"Very well said miss de hesus sabi ko na nga bat saiyo ko makukuha ang sagot na gusto kong marinig" nakangiting sabi ni ma'am.

Nahihiyang napangiti nalang ako dito.

"Okay since wala na tayong oras hindi na ako makakapagdiscuss at least may natutunan naman kayo sa debate niyo kanina at yun ang mga sinabi ni miss de hesus, minsan kailangan mong pakinggan both sides para mas maintindihan mo kung ano sitwasyon yan ang tatandaan bago kayo manghusga" Sabi ni ma'am parang may double meaning yun ah?

Dahil last subject na namin naguwian na kami.

At kung tinatanong niyo yung about sa punishment namin ni Trisha last last week nako!! Sobrang nakakapagod!!

3 days din yun mga teh!! Nakadagdag pa yung paghahanap ko ng part time ayon haggard ang Lola niyo.

Hay nako wag na nating isipin yun parang napapagod din ang isip ko kakaisip nun.

Pagkarating ko sa harap ng gate naghintay nalang ako ng masasakyan..mas mabuting sa harap na ng school maghintay ng masasakyan para makita nila na pag dinukot uli ako makahingi agad sila ng tulong.

Ilang sandaling paghihintay wala pang may dumating na sasakyan maski taxi wala rin.

Napatingin naman ako sa harap ng school kung saan andun ang pangalan ng school.

'Angels of Catholic University'
May mga pakpak na design pa sa magkabilang gilid ng pangalan..pakpak ng anghel.

Ano ba talaga ang meron sa school na toh? Bat ba ang mesteryoso nito!

Pati panaginip ko mesteryoso din?
Eh nakakalimutan ko agad tapos pag kakagising ko halos maligo na ako sa pawis ko tsaka parang nakipagkarera ako sa bilis ng tibok ng puso ko at sunod sunod na malalim na paghinga.

I know may kinalaman ang school na toh sa mga napapanaginipan ko.

But ano naman yun? Parang may & ang school na toh na hindi pwedeng malaman ng iba.

Bat feeling ko dapat malaman ito ng lahat?

Ay nako..Ewan napa-praning lang at ako.

Naghintay nalang ako ng sasakyan ng may pumarang itim na kotse say harapan ko kaya't napa atras ako..

Baka sila na naman ang kumidnap sakin.. mabuti nang ready Noh!

Bumukas ang bintana kaya't pumikit nalang ako ayokong makitang muli ang mga mukha nila nakakatruama.

"Get inside!!" Sabi ng pamilyar na tinig.

_____________________________________________

Ms. Winter Rose

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon