Kabanata XII

4.2K 115 0
                                    

*Angela POV*

Sabado ngayon kaya papunta na ako sa trabaho ko.

Nag part-time muna ako..kailangan kong kumayod di naman pwedeng dahil sa elite school ako nag-aaral at scholar pa libre na lahat kailangan ko rin ng pang-gastos lalo na sa pangaraw-araw na gastos sa school.

Alam ko namang mahihirapan si mama sa paglalabada kaya may kaunting hiya pa naman ako at gumawa na ako ng paraan para makahanap ng trabaho.

Pero di ko narin maiwasang hindi magalit sakanya..Alam kong alam niya na plinano ni papa na iset-up siya ngunit pinabayaan lang niya ito..galit ako sakanya..galit na galit kung bakit hinayaan niyang saktan siya ng ganun ni papa..hinayaan niyang masaktan siya ng ganun..ramdam kong nasasaktan siya ng lubos dahil sa gabi-gabi niyang pag-iyak..

Kaya't di ko maiwasang isisi nalang sakanya ang lahat isiping siya ang dahilan ng paglisan samin ni papa.

Nag ayos na ako at naghanda papuntang trabaho..

Ayokong makasama sa pagkain yung lalaking ginawa kaming etchapwera noon tapos ngayon babalik na may hatid na sakit na poproblemahin pa namin.

"Alis na ako" maikling sabi ko at walang sabi sabing lumabas ng bahay..

Sa isang coffee shop ako nakapart-time..at isang waitress ako dun..dahil nga sa naghahanap ako ng trabaho ito nalang ang kinuha ko total medyo malapit lang ito sa bahay kaya walang problema pag uwian na.

Pagkarating ko agad akong nagtime in saka kumuha ng apron at kinuha yung menu at papel para malista yung mga order nila.

Medyo marami rami ngayon ang mga customer namin dahil nga sa weekend ngayon siguradong maraming customer ngayon hi kaya't di na ako nag aksaya pa ng oras kaya pumunta na ako para ma entertain ang mga customer na gustong kumuha ng order.

Pumunta ako sa isang matandang mag-asawa grabe ang sweet nila.

"Good morning ma'am sir..may I take your order?" Sabi ko dito.

Napatingin naman sila sakin saka ngumiti.

"Ahm yung specialty niyo nalang iha" Sabi nung babaeng matanda.

"Okay ma'am please wait for a minute" Sabi ko saka pumunta ng counter at inilagay doon ang inilistang order kanina ng matandang mag-asawang.

"Order from table 8 please" sigaw nung isang katrabaho ko..

Kinuha ko naman ang order na yun at pumunta ng table 8.

Kung sinuswerte ka nga naman..bat di pa sila tumitigil..letse.

Habang papunta na ako sa table nila bigla nalang may nag patid sakin kaya't natapon ang dala kong order nila.

"Ouch!!!!!" Sigaw ni Gretchen..napatingin naman samin ang ibang mga customer ng shop.

Sakanya kasi natapon yung kapeng inorder nila.

"Call your manager now!!" Sigaw ni Trisha..

Agad namang pumunta sa office ng manager namin ang Isa sa mga katrabaho ko.

"You bitch you'll pay for it" bulong na sabi ni Trisha.

Ilang sandali lang lumabas ang naka-taas kilay na manager namin.

"What commotion is this?" Malditang tanong ni Miss Chavez..

"Your workers are stupid di nila inaayos ang trabaho nila and look what that girl do to my friend she even spill that coffee on her how pathetic" Sabi nito.

"Sorry for this mess ma'am and as a punishment apologizing is enough isn't it" Sabi ni ma'am..buti nalang at pag sosorry lang ang parusa.

"No, I want her kneeling down on us and kiss the floor" nakangising sabi ni Trisha.

Letse..Sana naman wag pumayag si ma'am.

"Okay, do it miss De hesus" Sabi ni ma'am..langya.

"Pero ma'am?" Reak ko pero binigyan lang ako nito ng masamang tingin.

Noong una palang akong magtrabaho dito mainit na ang ulo nito sakin.

Sabagay hindi pa siya nun ang manager namin kaya natanggap ako, nito lang siya napromote kaya ang taas na ng tingin nito sa sarili.

"Ikaw ang may kasalanan kaya gawin mo na" galit na bulong na sabi nito.

"Hindi ko hahayaang tapak tapakan nila ang pagkatao ko..I'm not born just to be treated like this" inis na Sabi ko.

"Kung aasta kang ganyan matatanggalan ka talaga ng trabaho" banta niyang sabi.

"Then I'll quit yan naman ang gusto mo diba? Okay I'll give you my resignation letter" Sabi ko sabay tanggal ng apron tsaka kinuha yung maliit na papel na sinusulatan ko ng mga order at dun nilagay ang resignation letter ko.

Pinirmahan ko na rin ng hindi na magsalita pa ng kung ano ano.

Ibinigay ko ito sakanya na halata namang tuwang tuwa.

Tumingin naman ako kina Trisha and friends.

"Satisfied? Kala niyo maiisahan niyo ko? No way!" Sabi ko sakanila.

Pumunta muna ako ng staff room at kinuha ang mga gamit ko saka lumayas sa letseng coffee shop na yun..

What now? Wala na akong trabaho?

Di bali maghahanap nalang ako ng ibang trabaho..

Tama!! Tiwala lang!!

______________________________________________

Heaven's Angel University - The Saintliness and The Fallen Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon