PAALAALA ULIT HIHI:
May mga maselang bagay at salita ang mababasa niyo sa istoryang ito kaya kung ako sayo hahaha shhh kalang sa magulang mo yun lang. d-_-b lablots hihi❤️.DONT FORGET
TO VOTE AND COMMENT
LABLOTSS MWAA.
DAVID POV
"SUNNY!! T*NG*NA!! NASAN NA YUNG KOTSE!?" galit na sigaw ni ander habang inaabangan ang pagdating ng kotse na kinuha ni james.
~BEEP~BEEP~
"Isakay niyo na dali!" Sigaw ni james. Agad naman binuhat ni ander si sunny papunta sa kotse. agad namang sumunod sila cheryl, crys at steph habang akay akay si gab.
Nung makaalis na ang kotse ni james biglang dumating ang pamilyar na puting kotse.
Kotse ni tito! Pakshet! Nakarating sa kanya yung nangyari!
Bumaba si tito sa kotse at agad na lumapit sakin.
"David! Anong nangyari dito!?" Inis na tanong nito sakin.
"T-tito nagkagulo po—"
"Sino ang nagsimula ng gulo.. ikaw nanaman ba david!?" Putol niya sa sasabihin ko.
"Tito si rochel po ang nagsimula ng gulo hindi si david.." pagtatanggol sakin ni jacob.
"Devera!? Siya nanaman!? Hindi ba siya titigil sa kayabangan niya ha!? Asan siya!?" Inis na sigaw ni tito tsaka tumingin sa paligid ng field.
"Tumakbo siya tito.." malumanay na sabi ko.
"Hindi mo man lang ba hinabol!? Ano ka ba naman david!?" Inis na sigaw nito sakin.
"Ano ba tingin mo sakin tito!? Aso!? Huh!?" Inis na sigaw ko sa kanya.
"So.. ngayun sumasagot ka na! San mo natutunan yan ha!" Sigaw niya sakin at akmang sasampalin ako pero hinawakan ko agad ang braso niya.
"Sa tingin mo tito saan ko natututunan ang ugali ko!? Tito baliw ka na! Baliw na baliw! Hanggang ngayun tinuturing mo pa ring iskwelahan ang demonyong lugar na toh! Alam mo tito!? Pasalamat ka at may na titira pa akong paggalang sayo kasi kung wala na matagal ka ng nakalibing!" Inis na sigaw ko sa kanya tsaka pabatong binitawan ang braso niya.
Naglakad na kami ni jacob pero bago kami makalayo sumigaw pa si tito.
"G*go kang bata ka ha! Parang di kita pinalaking maayos at pinaaral!" Sigaw niya. Inis naman akong lumingon sa kanya!
"Ikaw ang g*go! Baliw ka na! Baliw ka na tito!" Sigaw ko dito tsaka tinalikuran at mabilis na naglakad palayo sumunod naman sakin si jacob.
Pinuntahan ko ang kotse ko tsaka ako nagdrive papuntang hospital. Si jacob dumaan muna sa dorm para magpalit.
HOSPITAL.
"Nurse.. saan ang room ni ms.parker?" Tanong ko sa nurse na nasa lobby.
"Sir nasa O.R. pa po si ms.parker.. pero ililipat na po yata siya.." hindi siguradong sabi sakin nung nurse kaya tinanguan ko nalang siya at dumeretso sa O.R.
BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Misterio / SuspensoMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...