6-9-20
REMINDER!
ALWAYS WASH YOUR HANDS
AND STAY AT HOME!
KEEP SAFE EVERYONE!
>~<- Love, Author❤️
- YE A R S A G O -
MARION'S POV
"Master! Pinatawag mo raw ako?" Masayang bungad ko sa matandang lalaki na abala sa pagsusulat sa malaking whiteboard sa kanyang harapan.
"Tignan mo ito hijo," sambit naman niya at tumigil sa pagsusulat.
Kinuha niya ang isang maliit na microchip sa study table at nilahad sa harapan ko.
"Ano ito master?" Nagtatakang tanong ko at sinuri ng maigi ang chip.
"Tutal parang anak na rin ang turing ko sa iyo pagkakatiwalaan kita sa isang ito." Nakangiting sabi niya. Kinuha ang kamay ko at inilagay ang chip sa palad ko.
"Isa ito sa naimbento ko ngayong taon."Nang sabihin niya iyon tinitigan ko ang chip na nasa palad ko. Hindi ako makapaniwala na hindi pa rin siya tumitigil sa pagiimbento ng kung ano-ano.
"Ano naman ang meron dito master? Pag pinindot ko ba ito makakabalik ako sa past?" Biro ko na agad niyang ikinailing.
"Seryoso ako marion. Para sa 'kin ito na ngayun ang pinakamahalagang naimbento ko na dapat kong ingatan." Seryoso niyang sabi. "Hindi lang ito basta chip. Dahil laman nito ang makakapag sabi kung paano ko nagawa ang bago kong inimbento na kayang bumuhay ng patay." Parang nababaliw niyang sabi at kinuha ang chip, hinalikhalikan iyon.
"Master! Level up na ang biruan natin ngayon ah! Dapat sinabihan mo ako para nakapaghanda ako" sinubukan kong magtunog nagbibiro pero agad akong napahinto sa pag ngiti ng tignan niya ako deretso sa mata.
"Marion, makinig kang mabuti. Ikaw lang ang maasahan ko sa isang ito dahil alam kong matalino kang bata. Alam mo namang hindi marunong mag seryoso ang anak kong si nicko. Dahil ang alam niya ay mang loko ng kapwa estudyante." Sabi nito at itinago ang chip sa maliit na box.
"Ilang lingo nalang at magpapasukan na, gusto kong ikaw ang manguna sa klase. Gusto kong ikaw ang number one sa over all sa iskwelahan kong ito."Nangunot naman ang noo ko ng sabihin niya iyon. Parang nung isang araw lang galit na galit siya sa 'kin pero ngayon kung ano ano na ang gusto niyang gawin ko.
"Bakit naman ho?" Magalang ko pa ring tanong kahit gulong gulo na ako sa mga pinagsasabi niya.
"Para pag dating ng panahon maari mong mamana ang unibersidad na ito dahil wala akong tiwala sa anak kong si nicko, at ang isa ko namang anak ay may sariling mundo." Seryosong sabi nito at pumunta sa lamesa niya at naupo.
Pumunta naman ako sa malapit na couch sa lamesa niya at naupo.
"M-maaari ba iyon master?" Paniniguro ko.
'Jusko! Sigurado akong matutuwa si ina kapag nalaman niya ang magandang balita kong ito!' Sabi ko sa sarili ko kaya kinagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang pag ngiti.
![](https://img.wattpad.com/cover/189870169-288-k905604.jpg)
BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Mystery / ThrillerMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...