Chapter 25

7 4 0
                                        

6-20-20

REMINDER!

ALWAYS WASH YOUR HANDS
AND STAY AT HOME!
KEEP SAFE EVERYONE!
>~<

- Love, Author❤️

- P R E S E N T -

GAB'S POV

"Kailangan mo munang mag pahinga," sabi ko nang mag pumilit tumayo si sunny.

"Okay na ako, kaya ko na ang sarili ko." Pagpupumilit niya.

"You need to rest sunny." Lolo dad.

"Lolo dad.. a-anong ginagawa niyo dito?" Nautal kong tanong nang pumasok si lolo dad.

Isang araw na rin ang nakakalipas. Mabuti na ang lagay ng mga estudyante, binabantayan namin silang maigi. At pinagpaplanuhan namin ng mabuti ang balak namin.

Dalawa lang kami ni sunny sa dorm ngayon dahil wala pa rin kaming alam kung nasaan ang tatlo. Kahapon pa nagpupumilit umalis si sunny dahil hindi siya mapakali na baka may mangyari kila steph.

"L-lolo dad?" Gulat na sambit ni sunny.

"Oh? Parang nakakita ka naman yata ng multo," nangiting sabi nito kay sunny na hindi makapaniwala ang mukha sa nakita.

"Paano?" Utal na sabi nito.

"Mahabang kwento, pero andito ako para tulungan kayo." Nakangiting sabi pa rin ni lolo dad.

"Sila steph.." nagaalala pa ring tanong ni sunny.

"Wag kang magalala ligtas na sila." Nakangiting sabi ni lolo dad kay sunny habang hinihimas ang buhok.

Nanlaki naman ang mga mata naming dalawa ng sabihin iyon ni lolo dad.

"Hindi pa nga lang gumigising," napaiwas ng tingin na dugtong ni lolo.

Nagkatinginan naman kami ni sunny at ibinalik ang tingin kay lolo na umiiwas ng tingin.

"Anong nangyari sa kanila?" Seryosong tanong ni sunny.

'Shit sana mali ang iniisip ko'

"Patawad apo, nang makadating kami para iligtas ang mga kaibigan mo.. nagawa na nila ang—"

"Ano?!" Sigaw ni sunny na gulat na napatayo sa kama.

"Mukhang hinahanap nila ang chip." Singit ko, napayuko ng tumingin sa gawi ko si sunny.

"Chip? May alam ka ba Gabriel Sin?" Pigil ang galit na tanong ni sunny.

Unti unti akong umangat ng tingin sa kanya at tumango.

"T*ng*na! T*ng*na! T*ng*na!" Paulit ulit na singhal niya.

"Sunn—"

"T*ng*na gab! Kaylan pa? Akala ko ba partner tayo? Akala ko ba walang sikreto? Ano to?!" Naluluha nang sabi ni sunny at naupo sa kama.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon