Chapter 18

5 4 0
                                    

5-10-20

REMINDER!

ALWAYS WASH YOUR HANDS
AND STAY AT HOME!
KEEP SAFE EVERYONE!
>~<

- Love, Author❤️

DAVID POV

Simula na ang game pero di ko naisipang siputin si sunny kaya inuna ko muna ang park.

Lian ang pangalan ng hahanapin ko ngayon hindi ako mahihirapan dahil may picture naman siya.

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad ng maisip ko si mae.

'Damn. I missed her so much'

"Baka mamaya may sumaksak na sayo di mo mamalayan."

Nabalik ako sa huwisyo ng may magsalita sa likod ko.

"Ikaw pala yan gab.." napakamot sa ulong sabi ko.

Tumango naman ito at tinapik ang braso ko. "Next time wag kang mananaginip ng gising ah delikado yan." Pabiro niyang sabi pero seryoso ang mukha.

Napilitang tumango naman ako kaya nilagpasan na niya ako at naglakad palayo.

'Tama si gab kaylangan hindi ako maging lutang. Kaylangan maging alerto ako dahil posibleng nakamasid lang ngayon sakin ang kalaban.'

Dahil totoo lang sa tinagal tagal na nangyayari sa buhay ko to hindi ko pa rin alam kung paano lumaban ng totoo dahil lahat ay dinadaan ko lang sa pananakot at sila ander na gumagawa ng paraan para maprotektahan ako.

In short di ako marunong makipaglaban sila lang.

kaya maingat akong naglakad at nagpalinga linga.

Sinigurado kong walang sumusunod sakin kaya isa isa kong pinasok ang mga stall pero wala akong nakitang lian sa mga pinasok ko.

Nakakatamad tong game na to dahil nakakapagod mag hanap.

Pero kaylangan mong gawin para sa buhay ng taong sasagipin mo at sa buhay mong delikado.

Gustuhin ko mang tawagan si tito para pahintuin na ang kalokohang to pero di ko siya matawagan.

Pero pwedeng pwede naman ako makatakas sa eskwelahang ito kahit anong oras at araw na gusto ko kaso may mga kaibigan ako kaya wala akong magawa kundi samahan sila sa mala impyernong lugar na to.


Hindi ko nanaman namalayan na dinala na ako ng mga paa ko sa mall.

Ano naman ang gagawin ko dito? Sisiputin ang baliw na babaeng yon!? Nako asa siya!

Pero gusto ko mang lumabas ngayon may kung ano pa ring pumupulit sa akin na tumuloy ako.

Wala naman siyang sinabi kung san kami banda magkikita at sa tingin niya ay makikita ko agad siya eh tatlong palapag ang gusaling to pano ko siya mahahanap!

Wala akong magawa kaya sinusunod ko nalang ang mga paa ko na parang may sariling utak.

Hindi ko alam kung saan na ba ako dadalhin ng paa ko dahil kanina pa ako palakad lakad dito.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon