7-23-20
*
"Sigurado ka na ba sa plano mo Mel? Kasi ako susuportahan lang kita.. pero alam kong alam mo rin na mali ang pinasok natin na to na nagpabuntis tayo. Okay lang kay mom na buntis ako pero kay dad?! Paano pa kaya sa mga magulang mo?!" Di mapakaling sabi ni Ceilo.
Maaga kaming nagising ngayon dahil may planong pumasok sa utak ko.
"Sana gumana ang plano." Kinakabahang sabi ko at inubos na ang natitirang kape. "Kapag nalaman ng dad mo to at ng mga magulang ko na buntis tayo, we're dead!"
"Pero hindi naman natin to pwedeng itago for life.." malungkot na sabi niya.
"Wala muna tayong pagsasabihan tungkol dito, sure naman akong mapagkakatiwalaan si Hailey." Pilit ang ngiting sabi ko. "Tara na may exam pa tayo."
*
Maliliit na hakbang ang ginagawa ko palapit sa room nila Marion. Alam kong hindi to tama pero ito lang ang naiisip kong paraan para hindi ko siya masaktan at tigilan na ako ni Roy.
'Mag isip ka nga Melissa! Si Roy ang ama ng dinadala mo!'
Wala sa sarili akong kumatok sa pinto. "Pwede ho ba kay Marion? May mahalaga lang ho akong sasabihin." Magalang na paalam ko kay Ms. Veña.
Tumango naman si Miss at sinenyasan si Marion na halatang gulat na makita ako.
"Good morning" masayang bungad niya.
"Morning.." naisambit ko lang at yumuko. "Sinasagot na kita—"
"Sinasagot mo na ako?!" Pabulong niyang sigaw na parang nawawalan ng hangin.
Napakagat naman ako sa labi at sunod sunod na pagtango ang ginawa.
'Sorry.. Sorry Marion itatama ko talaga ito.. Just give me time.'
"Seryoso ba?! Shet!" Masaya niyang sabi at niyakap ako.
"Sige, maya nalang tayo magusap pumasok ka na." Sabi ko at humiwalay sa pagkakayakap.
Sakto naman ang pagdating ni Ceilo sa sinabi ko. Pilit akong ngumiti kay Ceilo at hinila na ako nito palayo kay Marion.
Lakad takbo ang ginawa namin para makalayo lang doon.
"Ano ba! Bigla bigla ka namang sumusulpot!" Iritang sabi ko nang huminto kami sa tapat ng library.
"Ano?! Gumana ba ang plano ah? Kayo na ba?!" Makulit na tanong niya.
"Sinabi ko lang na sinasagot ko na siya. Pero Ceilo mali to eh maling mali." Nagsisisi nang sabi ko.
"Kaya nga kita hinila doon palayo para pigilan ka. Ayaw mong masaktan si Roy diba? Ganun rin si Marion. Pero kailangan mo pa rin pumili sa kanila Mel." Malungkot na sabi nito. "At ang kailangan mong piliin ay si Roy dahil siya ang ama ng dinadala mong bata."
"Wag mong isipin ang mommy niya. Isipin mo ang sarili mo ang bata at ang relasyon niyo. Ginagawa naman ni Roy lahat para ipaglaban ka Mel. Napakaswerte mo nga dahil hindi ka niya pinapakawalan."
BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Mystery / ThrillerMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...