PAALAALA ULIT HIHI:
May mga maselang bagay at salita ang mababasa niyo sa istoryang ito kaya kung ako sayo hahaha shhh kalang sa magulang mo yun lang. d-_-b lablots hihi❤️.DONT FORGET
TO VOTE AND COMMENT
LABLOTSS MWAA.
GAB POV
Tinatahak namin ngayon ang kagubatan. Hindi gaano kadilim dito dahil sa liwanag ng buwan.
Gusto kong magsalita pero ni isang hininga mula sa bunganga ko walang lumalabas.
Inilibot ko ang mata ko upang tignan ang mga kasama ko. Takot na takot ang mga mukha nila ngayon lalo na si steph na kanina pa umiiyak.
Ayaw na ayaw naming dalawa ni sunny na nadadamay silang tatlo sa katarantaduhan namin. Lalo na si steph dahil sobrang hina niya sa lahat ng bagay.
"Ano ba!? Hindi ka ba titigil kakaiyak jan!?" Iritang sigaw ni rochel kay steph. "Kapag hindi ka tumigil kakangawa jan ikaw ang uunahin ko!" Lumapit ito kay steph at naglabas ng baril!
Sinubukan kong magpumiglas sa dalawang lalaking nakahawak sakin pero di ko magawa dahil sobrang higpit ng hawak nila sa braso ko.
"W-wag! P-please.." pagmamakaawa ko kay rochel.
Ayaw ko mang magmukhang nakakaawa sa harapan nila steph. Pero hindi ko magawa dahil ayon lang ang tanging paraan para walang masamang mangyari samin.
"Ang nagiisang lalaki sa grupo naging maamong aso na ngayon, nice" nakangising tumingin siya sakin at itinapat sa noo ko ang baril.
Hindi ko alam pero walang kahit anong kaba ang bumalot sakin.
Kalmado ko siyang nginitian.
"Ano ba ang gusto mo? Bakit kaylangan mo pa kaming saktan kung pwede mo namang daanin sa pakiusap?" Mahinahong tanong ko sa kanya na nagpataas naman ng kilay niya.
Ibinaba niya ang kanyang kamay tsaka itinago ulit ang baril sa likod niya.
"Hindi ko kasi maintindihan kung bakit nakasundo niyo agad ang Golden Bro's. samantalang tuwing may bagong salba dito ay hindi nila nagugustuhan tsaka sabay nilang pagtitripan." Napairap na sabi niya.
"Golden Bro's?" Nagtatakang sabi ni crys.
"Wag niyong sabihin hindi niyo kilala ang golden bro's?" Napapailing na sabi ni rochel. "Ang golden bro's ay sina david hill, kyle anderson, jacob beltran, james gilbert.. tinawag silang ganon dahil tuwing sasapit ang dead night sila ang makikita mong pakalat kalat sa unibersidad na may suot na gintong maskara." Pagpapaliwanag nito habang nakangisi.
Kahit isa sa mga sinabi niya ay wala akong naintindihan kaya tignignan ko sila crys,steph at cheryl pero katulad ko mukhang naguguluhan sila sa mga pinagsasabi ni rochel.
"Marami pa kayong hindi nalalaman" nakangising sabi niya samin tsaka naglakad patungo sa isang malaking puno.
Huminto siya sa harapan ng puno at inilabas ang baril na dala tsaka nagpaputok.
BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Mystery / ThrillerMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...