Chapter 33

6 3 0
                                    

7-20-20

*

Kakatapos lang ng unang exam kaya maaga kaming uuwi ngayon.

Tatlong araw na nang makalipas ang nangyari sa amin ni Roy. Hindi ko alam pero kinakabahan ako dahil may sikreto na ako kay Marion.

"Hey! Melissa right?" Tawag sa akin ni Chelly na isa sa mga sikat sa school.

"Yeah.." pilit akong ngumiti.

"Nagiimbita kasi ako ng mga tao, may party kasi later sa house namin baka you want to join? Alam ni Ceilo ang house namin sabay na kayong pumunta oki?" Sabi niya tsaka nagbeso sa akin at umalis.

Taka ko naman siyang sinundan ng tingin. Nagyaya pa siya ng ibang estudyante.

'Anong meron? Biglaan yata ang party ni Chelly.'

"Mel! May party mamaya kela Chelly sama ka?" Sulpot ni Ceilo sa harap ko.

Tumango nalang ako para hindi na siya mangulit. Kumapit naman siya sa braso ko dahil sa tuwa.

*

"Tanggalin mo na yang salamin mo! Party yon Mel!" Sigaw sa akin ni Ceilo nang lumabas akong nakasalamin pa rin.

Ilang minuto na kaming late dahil sa kaartehan niya. Pinasoot pa kasi akong tube at skirt mukha tuloy akong malanding babae.

"Dali na! Isuot mo na yung contacts!" Pagpipilit niya.

Isinuot ko naman na para makaalis na kami. May exam pa bukas bakit naman kasi gabi pa ang party.

"Ceilo! Melissa! Buti nakarating kayo," masayang salubong samin ni Chelly.

Napakaganda niy rin ngayon. "Sorry late napakatagal kasing kumilos nitong kasama ko.." bulong ni Ceilo kay Chelly na narinig ko naman.

Siniko ko naman siya.

"Pag sa party talaga ibang iba kayong dalawa! Dyosang dyosa ang ootd niyo ngayon!" Sabi niya at hinila kaming dalawa sa loob.

Maraming kilalang tao at may malaking tarpaulin sa gitna ng pool kaya alam ko na ngayon kung sino may party.

Iniwan naman kami ni Chelly sa isang table dahil inasikaso pa niya ang ibang bisita.

"Sila Marion!" Turo ni Ceilo sa malapit sa pool.

Sila Marion nga, kumukuha ng pagkain.

Naalala ko nanaman tuloy yung nagawa namin ni Roy. Sigurado akong hindi niya magugustuhang malaman iyon.

"Girls makipag party na kayo! Schoolmates kayo ni Nicko diba?" Biglang sulpot ng babaeng sobrang ganda.

May dala itong wine pero walang bawas halatang hindi niya iyon iniinom. Naka red off shoulder dress ito na sobrang bumagay sa balat niya dahil sa puti.

Mapapansin rin ang tiyan niyang may kaunting umbok.

"Omaaay— Ate ni Nicko?! Mel! Ate ni Nicko nasa harap natin ngayon!!" Tuwang tuwang sabi niya at naglabas ng phone.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon