6-24-20
*
MARION'S POV
"Tatlong linggo na?!" Gulat kong sabi nang magkwento si Zyra sa'kin.
Nasa lugawan kami ngayon malapit sa plaza dahil magkikita kami ni Melissa mamaya. Maaga pa lang naman kaya inaya ko si Zyra magalmusal.
"Sige isigaw mo pa!" Singhal niya at aktong babatukan ako pero ngumuso ako.
"Bakit hindi mo sa'kin sinabi? Paano na ang pagaabogado natin ng sabay? Sino na makakasama ko tuwing papasok? Sino na ang magtataray sa akin?" Sunod sunod na tanong ko habang nakanguso.
"OA! Grabe ka naman akala mo aalis ako, nagbubuntis lang ako hoy!" Natawang sabi niya.
Natawa naman ako dahil sa kaartehan na ginawa ko. "Ikaw kase! Napakalandi mo!"
"Hah! Ako ba may kasalanan kung maganda ako?" Mayabang na sabi niya na inayos pa ang ilang hibla buhok at inilagay sa likod ng tenga.
"Saan banda?" Biro ko na tinignan pa ang buong mukha niya.
"Bahala ka nga jan!" Tampo naman niya at umalis.
"Teka! Di pa tayo bayad!" Humabol naman ako pag katapos magbayad.
Napahinto nalang ako ng makita si Zyra na nasa harapan ng kotseng itim na may mga lalaking nakaitim rin. Mukhang kilala ko kung sino ang may ari nito—
Master Hill!
Lumabas ito sa kotse at hinarap si Zyra, may mga sinabi ito sa kaibigan ko pero dahil masyado akong malayo hindi ko marinig kung ano iyon. Tumango lang si Zyra at sumakay sa kotse, sumunod naman si Master Hill at ang mga tauhan naman niya ay sa mga kasunod ng kotse ni Master sumakay.
Bigla namang nagvibrate ang phone ko kaya agad ko iyon kinuha. Nakita ko ang text ni Zyra na mauuna na raw siya kaya hindi na niya ako masasamahan sa plaza.
Napabuntong hininga nalang ako at itinago iyon. Naglakad lang ako ng ilang minuto para makarating sa plaza.
Marami rami rin ang tao ngayon dahil sabado. Hindi ko alam kung paano ko hahanapin dito si Melissa, wala rin naman siyang sinabi na eksaktong lugar kung san kami magkikita.
Naupo nalang ako sa isa sa mga bench na nakakalat sa parke at panay ang tingin sa orasan.
Alas-nwebe na ng umaga. Sakto naman ang pagdaan ni manong na nagtitinda ng mga rosas. Namili ako doon ng pinakamaganda at iyon ay ang puting rosas.
"Nako hijo, siguradong magtatagal kayo ng babaeng pagbibigyan mo niyan." Nakangiting sabi ni manong.
Ngumiti naman ako tsaka tinignan ang rosas. "Sana nga po manong,"
"Sana talaga hijo, ikaw pa naman ang buena mano ko— hija napakaganda mo naman ikaw ba ang nobya ng ginoong ito?" Biglang baling niya sa likuran ko.
Nangunot naman ang noo ko at tinignan ang kausap niya. Napalunok ako ng makita ko si Melissa sa likuran ko. Nakasuot lang ito ng simple white dress at white flat shoes.
BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Mystery / ThrillerMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...
