6-21-20
REMINDER!
ALWAYS WASH YOUR HANDS
AND STAY AT HOME!
KEEP SAFE EVERYONE!
>~<
- Love, Author❤️
- YE A R S A G O -
MARTIN'S POV
"Kaylan mo pa sasabihin sa kaniya na buntis ka?" inis na tanong ko kay Zyra.
"Tsaka na kapag--"
"kapag ano? kapag siya na mismo ang nakaalam?" napailing na sabi ko. "Zyra, tatlong linggo ka nang buntis. Imposibleng hindi niya mapansin na nagdadalang tao ka dahil sa mga pagiinarte mo sa pagkain o sa mga bagay bagay."
"O-okay.. sasabihin ko na?" hindi pa rin siguradong sabi niya.
"Sabihin mo na habang maaga pa Zyra.." pagpipilit ko.
"Ano yun? ano ang sasabihin niya? bakit mo pinipilit ang girlfriend ko kung ayaw niya" Nicko.
Tinitigan ko muna si Zyra na nagulat sa pag dating ng nobyo bago ilipat ang tingin kay Nicko.
"Iwan ko muna siguro kayo bro," napaubong sabi ko.
"Ano ba 'yon babe?" baling niya kay Zyra na hindi makatingin sa kaniya ng deretso.
Palakad na sana ako ng pigilan ako ni Nicko at pinaupo sa sofa. tumango na lang ako at tinignan si Zyra bago maupo sa sofa. Binigyan ko siya ng pagpipilit na tingin. Napapikit naman siya na halatang hindi pa handa mag sabi ng kahit ano kay Nicko.
"N-nicko.. a-ano kasi.." nauutal na sambit ni Zyra ng nasa akin ang tingin.
Nagpalipat lipat naman ng tingin si Nicko saming dalawa na parang pinaghihinalaan kami sa kung anong bagay.
"Nilalandi ka ba ng kupal na to?" pabirong sabi ni Nicko na parang sineryoso ni Zyra dahil nanginig ang mga kamay.
"G*go!" singhal ko sa kaniya sabay batok. "Doctor ang hanap ko hindi lawyer." natawang dugtong ko.
Natawa naman si Nicko at inakbayan ang nobya. "Hoy! Maganda namang Lawyer to ah! malay ko ba kung may pagtingin ka dito."
"Tsk, loko!" napailing nalang ako.
"Buntis ako.." Bigla nalang na sabi ni Zyra na nasa ibaba lang ang tingin.
"Tignan mo nga! may gusto ka-- ano? B-buntis ka?!" gulat na sambit ni Nicko at inangat ang mukha ni Zyra.
Lumuluha ito ng tumingin kay Nicko at hinipo ang tiyan. Bumaba naman ang tingin ni Nicko sa tiyan ni Zyra at hinawakan iyon.
"Seryoso ba? Magiging A-ama na ako?!" tuwang tuwa na sabi ni Nicko at niyakap ang nobya.
Agad namang humiwalay si Zyra sa pagkakayakap at tumalikod. "Nicko.. masaya ako na magkakaroon ako ng anak at ikaw ang ama p-pero.. ang pagaaral ko. Ayaw kong magsayang ng taon alam mo namang pangarap na pangarap ko ang pagiging abogado."
"Babe.."
"Hindi magugustuhan ng mga magulang ko ito kapag nalaman nila, siguradong papahintuin nila ako sa pagaaral. Paano na ang pangarap ko kung ganon?" napakagat sa ibabang labi si Zyra na nagpipigil lumuha.
BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Детектив / ТриллерMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...
