Chapter 3

28 5 0
                                        

PAALAALA ULIT HIHI:
May mga maselang bagay at salita ang mababasa niyo sa istoryang ito kaya kung ako sayo hahaha shhh kalang sa magulang mo yun lang. d-_-b lablots hihi❤️.

DONT FORGET

TO VOTE AND COMMENT

LABLOTSS MWAA.


SUNNY'S POV

Nung matapos ang program ay nakaramdam ako ng pagkaihi kaya naman tumayo ako pero agad akong pinigilan ni steph.

"Where are you going?"may halong pagaalala sa boses niya kaya naman nagtaka ako.

"wag kang magalala babalik ako okay?"ngiting sambit ko sa kanya dahilan para tumaas ang kaniyang kanang kilay kaya tumango naman ako sa kanya.."magbabanyo lang ako di ko na mapigilan eh"ngingiti-ngiting sabi ko sa kanya sabay tapik sa braso niya tsaka bumaling kanila gab at sumenyas na magbabanyo.

madami dami pa ang mga lumalabas na estudyante kaya wala akong choice kundi ang sumababy sa agos ng mga ito para mabilis makalabas.

nung makalabas na ako sa gym agad akong naghanap ng banyo. pero di pa ako nakakaabot sa dulo ng corridor may nakita akong karatulang CANTEEN THIS WAY kaya naman nagpasya muna akong tignan iyon sandali. nung marating ko ang gate ng canteen ay nakasarado pa ito kaya sinilip ko ang loob. malaki ito at malinis. may nakita akong iilang tao sa loob kung saan nagsisipaghanda sila siguro sa pagbukas. kaya nagpatuloy ulit ako sa paghahanap ng banyo nung marating ko ang dulo ng corridor at nakita ko na ang karatula ng cr kaya naman agad akong dumeretso doon.

bago pa man ako makapasok ay may lumabas sa pinto ng female bathroom. isang magandang babae ang tumambad sa harapan ko at nginitian niya ako at tinanguan ko lang ito. nung maglalakad na sana ako papasok sa loob napansin ko ang pagbabago ng kanyang mga ngiti na napalitan ng ngisi kaya naman nagtaka ako sa inasta niya.

"Transferee?"biglang sambit niya habang nakangisi pa.

"Mm"tipid na sagot ko at tinanguan lang siya. papasok na sana ulit ako nung biglang humarang siya sa pintuan ng banyo kaya naman napataas ako ng kilay.

"excuse me, nababanyo na kasi ako hindi ko na kaya tong pigilan"malumanay na sabi ko pero di siya umalis sa pagkakaharang niya sa pinto!

'shit di ko na talaga kaya! pesteng yawa naman oh!'sabi ko sa sarili ko.

"aalis ka jan o patutulugin kita?"mayabang pero seryoso kong tanong sa kanya kaya naman ngumisi ulit siya.

"gagawin mo yon? haha.. grabe baguhan ka pa lang pero kung umasta ka parang dati ka na dito"mataray na sambit nito.

'tsk. makulit ang isang toh. tignan lang natin ang kulit mo pag pinainom ko sayo ang ihi ko' sabi ko pa sa isip ko at sabay ngisi sa kanya.

"tatabe ka jan o iihian kita?"nangaasar na tugon ko sabay ngisi sa kanya.

"eww... disgusting!"maarteng tugon niya at tumabe. pero laking gulat ko nung umasta pa siyang susuka suka.

'abno ang isang toh'sabi ko pa sa sarili ko.

"may araw ka din saken! disgusting girl!"sigaw niya pa sa labas.

natatawa akong lumabas sa cubicle at humarap sa salamin at naghilamos.

pagkalabas ko sa banyo ay may mga estudyante na ang nagpakalat kalat. di ko na pinagtuunan ng pansin yun at nagpatuloy sa paglalakad. naisipan kong pumunta sa canteen para bumili ng maiinom dahil bigla akong nauhaw.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon