Chapter 17

10 4 0
                                    

5-9-20

REMINDER!

ALWAYS WASH YOUR HANDS
AND STAY AT HOME!
KEEP SAFE EVERYONE!
>~<

- Love, Author❤️


SUNNY POV

Maaga akong nagising ngayon para lutuan ng almusal sila gab.

Nag prito lang ako ng hotdog at gumawa ng soup.

Naalala kong tiniran ko si david ng ramen kaya ininit ko na rin.

"Ang aga mo namang nagising" aantok antok na sabi nito.

"Pinagluto ko kayo.. gisingin mo na yung tatlo pupuntahan ko lang si david babalik rin agad ako." Ngiting sabi ko tsaka kinuha ang ramen at dumeretso sa unit nila david.

Sakto namang nakita ko si james na nagmamadaling lumabas.

"James!" Tawag ko sa kanya.

Lumingon naman ito. "Anjan ka pala sunny! Pasok ka muna may tatawagin lang ako saglit." Nagmamadaling sabi niya at umalis.

Wala na akong magawa kundi pumasok.

Pag ka pasok ko nakita ko si jacob na mukhang nagulat sa presensya ko.

"Pinapasok ako ni james.." nahihiyang sabi ko.

"San ba siya pumunta?" Takang tanong nito.

"May tatawagin lang raw siya." Di siguradong sabi ko. "Ito nga pala ramen para kay david.. gusto ko sana siyang kamustahin."

"Yun naman pala e, si david naman pala ang ipinunta." Nangaasar na sabi nito. "Kung ganon samahan mo ko sa kusina sakto magluluto na ako ng breakfast."

Tumango naman ako tsaka sumunod sa kanya.

Matapos ang ilang minuto nakapag luto na kami ng breakfast nila.

Inihanda na rin niya ang kakainin ni david sa tray dahil kaylangan muna raw nitong magpahinga sa kwarto.

"Jaco—"

Biglang sulpot ni ander na gulat pang nakatingin sakin.

"Hi?" Pilit ang ngiting sabi ko.

"Andito ka pala. Jacob yung pagkain ni david." Malamig na tugon nito.

"Pwede bang ako nalang ang maghatid? Gusto ko sana siyang kamustahin.." pilit ang ngiting tanong ko.

Tumango naman si ander at sumenyas kay jacob na samahan ako sa kwarto ni david.

Nang makaakyat kami tinanong ko muna si jacob kung may maliit siyang papel.

At buti nalang meron dahil may gusto akong sabihin kay david.

Pumasok naman na si jacob sa loob.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon