5-21-20
REMINDER!
ALWAYS WASH YOUR HANDS
AND STAY AT HOME!
KEEP SAFE EVERYONE!
>~<- Love, Author❤️
ANDER POV
"David." Tawag ko kay david na ngayon ay naka upo habang pikit ang mga mata.
"Mm?" Tipid na tugon nito.
Nag buntong hininga muna ako bago nag salita.
"Wala ka bang napapansin sa kilos ni sunny?" tanong ko at napadilat siya at napaayos ng upo.
"Kakaiba siya. Ayun ang napansin ko." Seryoso nitong sabi.
Nilingon ko naman si sunny na ngayon ay kausap si gab.
"Hindi lang siya kakaiba david." malungkot na sabi ko.
Kahit na sandali palang kami nagkakasama hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.
Hindi kami ganon ka-close ni sunny pero may iba talaga, parang gusto ko siya— makita araw araw.
"Eh ano?"
"Parang.. m-may gusto siya sayo?" Hindi siguradong sabi ko.
Hindi naman siya nag salita at halatang napaisip siya sa sinabi ko.
Madalas kong mapansin ang kilos ni sunny.
Nung una para silang ewan kung mag usap pero habang tumatagal si david nalang ang nagiging ewan dahil di niya napapansin na may gusto si sunny sa kanya.
"Mapagbiro ka talaga! BWAHAHA" tumawa lang ito at hinampas ako.
Napailing nalang ako dahil alam kong di naman siya maniniwala sa sinabi ko.
"Tss. Ibang usapan na nga lang, pwede naman siguro tayong mag tulungan lahat sa kalokohan ng tito mong to diba?" Nakangiwing tanong ko.
Naisipan kong pwedeng naman kaming magtulungan sa larong to dahil alam naman na namin kung sino ang kalaban.
At para mapadali pa dahil pakiramdam ko may binabalak nanaman ang tito ni david. May alam ang tito niya na hindi alam ni david at na sisiguro ko iyon dahil ni isang beses di ko na rinig ang boses ni tito nicko na nag anunsyo.
Kung hindi matandang babae ang nag sasalita ay lalaki naman pero imposible namang si tito iyon dahil ibang iba ang boses niya.
"Kung may naisip kang pwede nating pag tulungan, why not?" Nakangiti nitong tugon.
"May plano na ako."
"Go. Sabihin mo na habang andito pa ang lahat ng players." Ngiti pa ring sabi nito.
Tumango naman ako at tumayo sa gitna.
May mga napatingin sakin kaya nag buntong hininga ako at umubo para mapansin nila ako.
"May I have your attention, please?" Mahinahong sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Mystère / ThrillerMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...