Chapter 35

3 3 0
                                    

7-22-20

*

Isang buwan na ang nakalipas. Nangunguna na si Marion sa Over All habang ako naman ay nangangalawa at si Roy ay na ngangatlo.

Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero ngayong pangatlong buwan ganun pa rin walang nagbago.

"Congrats babe!" Salubong sa akin ni Roy nang makababa ako ng stage.

Hinalikan ko naman siya. "Thank you, congrats rin."

"Ano ba ang secret ng baby ko bakit napakaganda pa rin kahit isang buwan na siya nagbubuntis?" Bola nito at humawak sa tiyan ko.

"Hoy ang landi niyo!" Sulpot ni Ceilo na kasama si Racky.

"Kayo rin naman!" Sabi ni Roy at siniko ang kapatid.

"Kapag natapos ang school year, babalik na tayo ng korea." Biglang sabi ni Racky kay Roy.

"Pero—"

"Isasama natin sila. Hindi pa alam ni Mom ang tungkol dito kaya paghandaan natin ang ipapaliwanag natin sa kanila." Seryosong sabi ni Racky na nagpatahimik kay Roy.

Nagkatinginan lang kami ni Ceilo. Nakalimutan namin ang tungkol doon na mangyayari pa rin pala ang bagay na iyon.

"Uhm.. Congrats Ceil! Panglima ka na! Congrats rin sayo Racky." Pagiiba ko sa usapan.

Masayang yumakap sa akin si Ceil. Pang lima siya habang si Racky naman ay pang apat. At ang kakaiba pa doon pang anim si Nicko na mas matalino pa sa aming dalawa ni Ceilo!

Nahigitan pa siya ni Ceilo! Parang dati imposibleng may makatalo sa kaniya ngayon posible na.

"Ayos ka lang babe?" Nagaalalang tanong ni Roy.

"Yeah.. Tara na? Mauna na muna kami sched ngayon eh." Paalam ko sa dalawa at naunang naglakad.

Sumabay naman si Roy. "Ako na magdadrive ngayon okay? Sa bayan na rin tayo mag hapunan."

Tumango lang ako at tahimik na sumakay sa kotse. Nagpacheck up lang kami sa doctor ko tsaka dumeretso sa resto.

Naghahapunan kami nang makita ang pamilya ni Chelly sa mahabang lamesa.

"Mukhang may celebration nanaman ang mga Devera.." bulong ni Roy.

Nakatingin rin ito sa mga nagtatawanang pamilya. Hinanap ng mata ko si Chelly pero di ko makita kaya bumaling ako kay Roy.

"Bakit wala si Chelly?" Taka kong tanong.

Tumingin naman siya sakin at tinuro ang nasa likuran ko. Nilingon ko naman iyon ay nakita si Chelly na kakapasok lang at mukhang lutang.

Dumeretso ito sa harap ng table nila pero di ito nagabalang umupo. May sinabi ito at bigla nalang siya naluha.

Bakas naman ang gulat sa mukha ng pamilya niya kaya nagkatitigan lang kami ni Roy at inabangan ang susunod na mangyayar—

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon