Chapter 29 ⚠️

5 4 0
                                    

6-25-20

{RATED SPG, READ AT YOUR OWN RISK!}

*

Kinabukasan,

Nagising ako dahil sa boteng kumakalampag sa ingay.

Tumayo ako at naglakad palabas ng kwarto. Inis kong kinusot ang mata at sinipa si Nicko na bumagsak sa lapag.

"Gising na!" Sigaw ko.

"T*ng*na naman! Nakita mong natutulog pa yung tao eh!" Inis na sabi nito at bumangon.

Napahawak agad ito sa ulo at binagsak ang katawan sa sofa.

"Grabe! Napakasakit ng ulo ko, nakailan ba ako?" Sabi nito habang minamasahe ang noo.

Sinipa ko lang ang bote na nagawa ng ingay. Irita siyang tumingin sa mga boteng wala nang laman.

"Shet! Ang dami naman!" Reklamo pa niya

Iritadong kinuha ko ang cellphone niya sa lapag at hinanap ang record. Nang mahanap ko iyon pinlay ko sa tenga niya.

"Seryoso ako Marion. Nakarecord na ito para hindi ko makalimutan. Please, kailangan kita ngayon kupal!"

"Sige, mangako ka na."

"Ako si Nicko Hill.. n-nangangakong tutulungan ang k-kaibigan kong si Marion Go na maagaw ang unang pwedto ta lalaking si Rot Parkey!"

"Ako si Marion Go nangangakong tutulungan ang kaibigan kong si Nicko Hill na mahanap ang kiniyang magina."

"G*go?! Seryoso ba to?!" Hindi naniniwalang sabi niya.

"Phone mo pa nga ang ginamit mo." Sabi ko lang at pumasok sa cr.

Narinig ko naman ang paalam niya at umalis. Naligo lang ako sandali at kumain. Malelate raw ang kupal ng isang minuto dahil sobrang sakit raw ng ulo. Kaya nauna na ako sa klase.

"Hey Marion!" Malanding tawag nanaman ni Chelly.

"Hey!" Pilt ang ngiting sabi ko.

"You free tonight? May party sa house namin." Tanong nito. "Sabihan mo lang ako kung pupunta ka para hintayin na kita at sabay na tayong pumunta." Kumindat pang sabi niya.

Napasinghap naman ako. "Sorry—"

"Game kami jan!" Singit bigla ni Nicko na umakbay pa sa'kin.

Inis ko siyang nilingon na ngayon ay nakangisi na sa'kin.

"Yes!" Masayang sigaw ni Chelly.

Napailing nalang akong naglakad papunta sa upuan ko at naupo. Nakangisi namang tumabi sa'kin si Nicko.

"Kupal ka talaga!" Inis na bulong ko sa kaniya.

Humagikgik lang ito dahil pumasok na ang secretary ni Master Hill para magpamigay ng test papers.

Ginawa naman ni Nicko ang pinangako niya kaya nang matapos na ang lahat at abala sa pag pass sa harapan. Dali dali kaming nagpalit ng papel at natawa nalang sa ginawa.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon