Chapter 21

6 4 0
                                        

6-04-20

REMINDER!

ALWAYS WASH YOUR HANDS
AND STAY AT HOME!
KEEP SAFE EVERYONE!
>~<

- Love, Author❤️

GAB POV

"Sunny.. anong nangyari?" Nagaalalang tanong ko ng makabalik sila ni ander ng mahigit kalahating oras.

"Wala." Pilit ang ngiting sabi nito.

Napabuntong hininga naman ako ng sabihin niya iyon.

"Nga pala, may nag bato kanina mula sa labas sa iyo ata gustong ibigay." Sabi ko sabay abot ng papel na nakapulupot sa bato.

Napansin ko namang ang pangungunot ng noo niya bago iyon kunin.

"Thanks" tipid na sabi nito at tumalikod.

Pinanood ko lang siya mag lakad palayo.

"Ipinapaabot ng sajangnim." Bulong ni Terrence mula sa likod at nilahad ang sobre.

Kinuha ko naman iyon ng nakatingin pa rin sa likod ni sunny. Umalis naman na si terrence sa likod ko na parang walang nangyari kaya nag mamadali akong pumasok sa cr.

Binuksan ko ang sobre at kinuha ang papel at binuklat. Nangunot ang noo ko habang binabasa ang nakasulat. Natinag lang ako sa pag babasa ng may pumasok kaya nag mamadali kong ibinulsa ang papel.

"Ikaw pala yan," nakangiting bungad ni david.

Tinanguan ko lang ito at pilit na ngumiti.

"Hindi niyo ba pinag sisihan ang pagpasok sa eskwelahang ito?" Tanong niya habang naghuhugas ng kamay.

"Pinagsisisihan ko na, na idinala ko sila sa impyernong lugar na ito. Tama nga sila nasa huli ang pagsisisi." Napasinghap kong sabi at sumandal sa pinto.

Pinunasan naman niya ang kamay at humarap sa akin.

"Ang totoo hindi ko alam kung bakit humantong sa ganito ang eskwelahang dating puno ng saya na ngayon ay binalot na ng dugo." Malungkot na sabi niya. "Sana kasing tapang niyo rin ako. Dahil ang totoo duwag ako. Naging matapang lang ako ng makilala ko ang mga kaibigan ko. Nung una ko kayong makita nagtaka na talaga ako kung bakit may pinapasok pa sila kaya hindi na ako magugulat kung may binabalak sila."

"Hindi ka nagiisa.." naloloko akong umiling iling at ngumiti. "Yong pinsan kong iyon, mahina 'yon. Hindi talaga kami mag kasundo nung una naming pagkikita pero dahil sa paliwanag ni tito na kaylangan raw ako ng kaniyang anak, ginawa ko ang lahat para palakasin siya. Nagawa ko ngang mag panggap na mahina sa harap niya para lang matalo ako sa isang laban at siya ang manalo. Dun ko lang siya nakitang masaya dahil unang beses niyang manalo no'n. Kaya wag mong sasabihin na malakas siya dahil ang totoo sobrang dami niyang kahinaan." Mahabang paliwanag ko.

Hindi naman siya nakasagot at tulala lang na tumingin sakin.

Andami ko pa sana gustong ikwento pero hindi naman kami ganun ka-close para ikwento sa kanya ang pinagdaanan namin sa buhay.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon