5-19-20
REMINDER!
ALWAYS WASH YOUR HANDS
AND STAY AT HOME!
KEEP SAFE EVERYONE!
>~<- Love, Author❤️
GAB POV
Naglalakad na kami ngayon papunta sa park dahil nalibot na namin ang school.
Naisipan naming magsama ni sunny.
Ang totoo talaga pinilit ko lang siya para hindi magkita ang landas nila ng david na yon.
Pero nagkamali ako dahil nakita namin si david na naglalakad at halatang wala sa sarili.
Tuloy tuloy lang ang lakad nito at kapag hindi pa siya huminto mauuntog na siya sa poste ng ilaw.
Lalapit na sana ako sa kanya ng kalabitin ako ni sunny at bumulong na may nagmamasid kay david kaya kaylangan ko siyang lapitan.
-,-
Tumango naman ako sa kanya at normal na lumakad palapit kay david.
"Baka mamaya may sumaksak na sayo di mo mamalayan." Malumanay na sabi ko.
Napansin ko naman ang pagkagulat niya kaya pinigilan kong matawa.
"Ikaw pala yan gab.." napakamot sa ulong sabi nito.
Tumango naman ako at tinapik ang braso niya. "Next time wag kang mananaginip ng gising ah delikado yan." Pabiro kong sabi pero seryoso ang mukha.
Napilitan naman siyang tumango kaya nilagpasan ko na siya at naglakad palayo.
Ramdam ko naman ang pag titig niya sakin.
Pumasok ako sa isang resto at sinilip ang pinuntahan ni sunny.
Nakita ko si sunny sa likod ng malaking puno na nakikipag titigan sa lalaking royal blue ang maskara.
'May kutob akong ikaw ang sniper..'
Napangisi ako sa naisip ko kaya kumuha ako ng upuan at pinanood sila.
Walang nangyaring rambulan dahil tumakbo palayo ang sniper at may tinulungan si sunny na lalaking makatayo.
Kaya lumabas na ako para lumapit sa kanila.
"Akala ko ba aalamin mo lang kung sino ang nagmamasid bakit naging hero ka naman yata?" Pabirong tanong ko pero di nagbago ang seryoso niyang mukha.
"Siya ang nakakota sakin ngayon." Walang ganang sabi nito.
Tumango naman ako at tinignan ang nanghihinang lalaki.
Napansin ko naman ang dugo mula sa dibdib niya.
Hahawakan ko na sana iyon ng tapikin ni sunny ang kamay ko kaya inis ko siyang nilingon.
"May maliit siyang hiwa jan baka madiinan mo." seryosong sabi nito.
Itinaas ko naman ang dalawang kamay ko na parang sumusuko. "Okay, pero alam mo naman sigurong nagaaral ako ng med kaya alam ko ang gagawin." Nakangising sabi ko.
Pinanlakihan naman niya ako ng mata na para bang sinasabi ang 'WHAT EVER!'
Dinilaan ko naman siya at maingat na hinawakan ang dibdib ng lalaki.
"Mukhang marami ng nawalang dugo sa kanya kaya kaylangan na niyang dalhin sa hospital at ipatahi ang hiwa sa dibdib niya." Seryosong sabi ko.

BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Mystery / ThrillerMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...