7-25-20
*
MARION POV
Isang taon na ang nakakalipas mula nang kumalat ang tungkol sa pagbubuntis ni Chelly. Simula rin non hindi na namin siya nakita.
Sinabi niya rin saking may ibang nakabuntis sa kaniya dahil nakipagtalik rin raw siya sa kaklase namin.
May kutob naman akong nagsisinungaling lang siya pero naniwala na ako nang iharap niya sa akin ang lalaki.
Si Melissa naman at Ceilo hindi na pumapasok dahil buntis rin. Ang rinig ko Kabuwanan na ni Ceilo at lalaki ang anak nito.
Si Melissa naman babae ang anak at sa susunod na buwan kabuwanan na rin niya.
Ang kapatid naman ni Nicko na si Hailey nanganak na kaninang madaling araw lang kaya nasa hospital kami ngayon ni Nicko.
"Kamusta siya?" Tanong ko nang makalabas si Nicko sa kwarto.
Hindi nagpapapasok si Master ng hindi kabilang sa pamilya nila kaya hindi ko siya makamusta.
"Ayos na siya, kasing pogi ko nga ang anak niya" biro nito.
"Puro ka talaga kalokohan tara na nga!" Natawang sabi ko at hinila siya palabas.
"Sigurado ka ba sa gagawin natin Marion?" Tanong ni Nicko.
Sigurado na ako sa planong binuo ko. Aagawin ko lahat ng inagaw sa akin ni Roy Parker. Aagawin ko si Melissa kung hindi ko man siya napaglaban noon ngayon ko siya ipaglalaban.
"May nakakita sa kanila sa School." Sabi ni Nicko kaya doon kami dumeretso.
Huminto kami sa tapat ng dorm at pagkababa namin nakita namin agad ang tatlo. Si Roy, Racky at Melissa lang ang magkakasama siguro dahil kabuwanan ni Ceilo.
"Melissa!" Sigaw ko at nilapitan siya.
"M-marion.." gulat niyang sabi.
Mukhang di niya inaasahang makita ako ngayon.
"Kamusta ka na? Mukhang hindi ka masaya gusto mo bang pasayahin kita?" Sarkastiko kong sabi at seryosong tinignan si Roy.
"Congrats bro nasa iyo na ang lahat na dapat sa akin. Masaya ka na ba? Nakuha mo na nga si Melissa kinuha mo pa ang loob ni Master." Pigil ang galit na sabi ko.
"Ayoko ng gulo Marion. Hindi ko kasalanan kung ako ang nangunguna at ako ang nanguna sa puso ni Melissa. Nagpabaya ka Mar—"
Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang ilabas ko ang baril at gigil na itinutok sa kaniya.
"Marion!" Sigaw ni Melissa.
"Madali lang naman ang gusto ko Melissa.. sumama ka sakin at magmahalan tayo. Mahal kita Melissa! Ang tanga ko lang dahil pinakawalan kita dati kaya ngayon hindi na kita papakawalan!" Inis na sigaw ko.
"Baliw ka na ba Marion?" Sabat ni Racky.
Inis kong tinutok sa kaniya ang baril. "Wag kang mangealam dito! Hindi ikaw ang kausap ko!"

BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Misteri / ThrillerMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...