PAALAALA ULIT HIHI:
May mga maselang bagay at salita ang mababasa niyo sa istoryang ito kaya kung ako sayo hahaha shhh kalang sa magulang mo yun lang. d-_-b lablots hihi❤️.DONT FORGET
TO VOTE AND COMMENT
LABLOTSS MWAA.
GAB POV
FRIDAY.
"Ready ka na ba?" Tanong ko kay sunny.
Naglalakad kami ngayong dalawa papunta sa gymnasium.
Ngayong araw na ipapakilala ang mga bagong sumali at bukas na kami dadalhin sa dark forest.
Nakasoot kami ng puting hoodie at black na mask. Ito muna raw ang isusuot namin habang wala pa kaming rank.
"Pinaghandaan ko na to." Malumanay na sabi niya.
"Sabi ko nga. Dalian natin baka mamaya tayo nalang ang hinihintay." Sabi ko tsaka siya hinila papasok sa likod ng gym.
Doon kami itinuro na pumasok dahil papunta itong back stage ng gym.
Pagkabukas ko ng pintuan nandoon na ang mga sasali maliban sa mga nasa rangking na.
"Hi. I'm julio" bungad samin ng lalaking may katangkaran.
"Sunny." Biglang salita ni sunny kaya napatingin ako sa kanya na ngayon ay nakikipagkamayan kay julio. "A-ah.. Gabriel." Naiilang na sabi ko tsaka humarap sa apat pang lalaki.
"Neil." Malamig na sabi ng lalaking may puting buhok.
'Cool'
"Hi! Kristan Garcia nga pala" masayang sabi ng lalaking pinaka maliit sa lima.
"Benny" sabi ng matabang lalaki.
"Nathan." Sabi ng lalaking may pagkapula ang buhok.
"Nice hair, nathan and neil." Nakangiting sabi ko.
'Ewan ko pero ang cool nilang dalawa may pagkahawig rin sila'
"Guys ipapakilala na kayo." Biglang sabi ng emcee.
Sumunod naman kami sa emcee na lumabas sa stage kaya lumabas na rin kami.
Pagkalabas namin walang kahit anong ingay kaming narinig.
Napakatamihik ng paligid kaya inilibot ko ang mata ko para hanapin sila steph.
Agad ko naman silang nakita dahil kumakaway ang mga ito. Nasa malayo sila pero alam kong makikita nila pag ngitian ko sila kaya ngumiti ako.
"Students.. sila ang mga sumali sa labang ito at humamon sa ibang rangkings" sabi ni ms. dela torre.
Agad namang nabalot ng bulungan ang paligid.
"Ipapakilala lang nila ang kanilang pangalan at ang pangalang hinamon nila sa labang ito." Nakangiting sabi ni ms. dela torre.

BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Mystery / ThrillerMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...