Chapter 28

4 4 0
                                    

6-25-20

*

"Oh? Tapos na date mo?" Gulat na tanong ni Zyra nang makapasok ako.

Nakaupo siya sa sofa at hawak ang makapal na libro.

"Date?" Walang ganang sabi ko at tumabi sa kaniya.

"Sus! Magdadrama nanaman ang kupal," biro niya.

Inis ko naman siyang tinignan at doon ko lang napansin ang namamaga niyang mata.

"Umiyak ka ba?" Nagaalalang tanong ko.

Umiling lang siya at binaling ang tingin sa libro.

"Zyra—"

"Ayokong pag usapan." Seryosong sabi niya kaya tinikom ko na ang bibig ko.

Sunod sunod namang may kumatok sa pinto. Bumukas iyon, iniluwa si Nicko na gusot ang damit.

"Zyra babe, anong ginawa sa'yo ni dad?" Nagaalalang tanong ni Nicko sa katabi kong paluha na.

Lumapit si Nicko sa'min kaya tumayo ako at lumayo. Nakita ko ang sunod sunod na pag patak ng luha ni Zyra at niyakap si Nicko.

"G-gusto niyang ipalaglag ang bata.." Gumaralgal ang boses ni Zyra.

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi ganon magisip si Master!

"Shh.. hindi natin gagawin 'yon. Hindi mo iyon gagawin." Pagpapatahan ni Nicko.

"Kakausapin ko si Master.." sabat ko.

Tumingin silang dalawa sa'kin. "No Marion, wala kang magagawa." Ani Nicko.

Umiling ako. "Gagawin ko ang lahat para sainyo. Kaibigan ko kayo kaya handa akong tumulong."

Nagmadali na akong lumabas at hindi na hinintay ang sasabihin nila. Tinakbo ko na ang daan papunta sa office ni Master Hill. Buti nalang talaga at tumila na ang malakas na buhos ng ulan.

Nang makarating ako sinalubong ako ng dalawang tauhan ni Master na agad akong hinarangan sa pagpasok.

"Kailangan ko lang makausap si Master," magalang na sabi ko pero umiling lang sila.

"Sorry pero sinabihan kami ni Master na wag mag papasok ng hindi inaasahan." Sabi ng nasa kaliwa ko.

Kumawala ako sa pagkakahawak nila sa magkabilang braso ko at buong pwersa sila tinulak. Nang bumagsak sila agad akong tumakbo paloob.

Napahinto ako nang makapasok. Na estatwa ako sa kinatatayuan ko ng dumapo sa'kin ang paningin ni Master Hill at ni Roy Parker.

"Anong kailangan mo?" Malamig na Sambit ni Master.

Inis kong binaling ang tingin kay Roy na walang emosyon na nakatingin sa'kin. Pinigilan ko ang sarili kong magsalita ng kung ano ano sa kaniya at ibinaling nalang ulit kay Master ang tingin.

"Sorry sa abala Master pero may kailangan lang ho akong itanong sainyo." Magalang na sabi ko.

Maglalakad na sana ako palapit ng may humawak ulit sa braso ko inis akong nagpumiglas ng makita ang dalawang tauhan ni Master sa likod.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon