6-29-20
{RATED SPG, READ AT YOUR OWN RISK!}
*
MELISSA POV
"Makikipag kita ka sa lalaking 'yon?" Tanong ni Roy nang makitang nakabihis ako.
Sumenyas naman agad si Ceilo na lalabas na siya at magusap kaming dalawa.
"May gusto ako sa kaniya Roy. Nasabi ko na sayo ang tungkol dito hindi ba?" Malumanay na sabi ko at inayos ang suot na damit.
"Sinabi ko rin naman sayong gusto kita diba?" Malungkot na sabi niya.
"Roy.. hindi ako sanay na makita kang malungko—"
"Yun na nga Melissa eh, hindi ka sanay na makita akong malungkot pero bakit mo ginagawa sakin to?"
"Roy.."
"Mas nauna ako sa lalaking yun pero bakit— ni hindi ko na rinig sa bibig mo na gusto mo ako?" Napayuko siya at pinigilan ang mga luhang gusto ng lumabas. "Sa korea palang.. unang kita ko palang sayo alam kong ikaw na. Iniwan ko ang pamilya ko para sa'yo. Dinamay ko ang kapatid ko para lang ipaglaban ka. Bakit hindi mo pa rin akong magawang piliin Melissa?" Kagat labing sabit niya.
Napayuko naman ako. Nakilala ko si Roy nang magbakasyon kami sa Korea. I'm a suicidal person pero dahil sa kaniya nag bago iyon. Tinulungan niya ako sa maraming bagay sa loob lang ng tatlong buwan.
Nagpabalik balik ako sa korea sa loob ng tatlong buwan para lang makita siya. Hindi niya alam na saming dalawa ako ang unang nahulog. Pero nagbago lahat non nang ipakilala niya ako sa magulang niya. Hindi ako nagustuhan ng kaniyang ina kaya napilitan nalang ulit akong umuwi sa pilipinas kahit may tatlong linggo pa ako para magstay.
Nalaman ko nalang sa kapatid niya na nandito sila, sinundan niya ako. Pero hindi niya alam kung saan ako pupuntahan dahil hindi ko sinabi sa kaniya kung saan kami nakatira.
Hanggang sa nagenroll sila sa iskwelahang to. Ang sabi sa akin ng kapatid niya nalaman nila kay Ceilo na dito kami nagaaral kaya dito na rin sila nagaral. Nagulat nalang ako nang makitang nakasali agad silang dalawa sa Over All.
Nang magpapasukan na naging maayos kaming dalawa. Napagkasunduan naming maging magkaibigan nalang. Hindi ko pwedeng itanggi na may nararamdaman pa rin ako sa kaniya. Pero kinailangan kong kalimutan 'yon para sa kagustuhan ng kaniyang ina.
Kahit sa tagal ko nang nagaaral dito noong nakaraang taon ko lang nakilala si Marion dahil kay Aling Tess. Kaya napapadalas ang paghingi ko ng tissue sa lobby kahit hindi ko naman kailangan.
Kailangan kong mapalapit sa kaniya dahil siya lang ang pwedeng paraan para tigilan na ako ni Roy at para rin maka-move on na ako sa kaniya.
*
"Bagay raw tayo," nangaasar nanamang sabi ni Marion.
Namilog naman ang mga mata ko. "Tao tayo, Marion."
Sa totoo lang dahil sa kaniya napanindigan ko na ang pagiging mataray ko.
BINABASA MO ANG
Dark Hill University
Misterio / SuspensoMay limang magkakaibigan na mahilig maglakbay kaya mapapadpad sila sa isang liblib na gubat kung saan matatagpuan nila ang paaralang magpapabago sa kanilang buhay. Makikilala nila ang lalaking nag ngangalang DAVID HILL ENRILE na mag papaibig sa bab...
