Chapter 30 ⚠️

4 4 0
                                    

6-27-20

{RATED SPG, READ AT YOUR OWN RISK!}

*

MARION'S POV

"Shet! Ang sakit ng ulo ko!" Inis na sabi ko pagkabangon ko ng higaan.

Minasahe ko muna ang leeg ko bago tumayo at naligo. Mukhang sa kwarto ako ni inay natulog ngayon.

"Buti naman at gising ka na! Mahuhuli ka na sa una mong klase dalian mo jan! Inayos ko na ang gamit mo nasa lamesa, may nilagay rin akong pagkain doon ayun ang kainin mo. Mauna na ako!" Rinig kong sigaw ni inay sa labas.

Tamad akong naglakad palabas matapos maligo at magbihis. Nang makita ko ang oras nagmadali akong tumakbo sa sala at kinuha ang gamit. Dali daling nagsuot ng uniporme at sapatos.

Sakto naman ang pagtawag ni Nicko sa'kin dahil naglalakad na ako sa hallway.

"Nasan ka na kupal?! Andito na ang secretary!" Sigaw niya sa kabilang linya.

Pinatay ko nalang iyon at binilisan ang lakad. Nang makarating ako nagkakagulo pa sa loob na aakalain mong nasa palengke ka.

Nakita kong kumakaway si Nicko sa likod kaya sinamaan ko siya ng tingin at dumeretso sa tabi niya.

"Akala ko hindi ka na papasok eh!" Sigaw nanaman niya.

"Nakakarindi ka!" Inis kong sabi at tinakpan ang tenga.

Napansin ko naman ang pagtahimik agad ng mga kaklase namin at isa isang tumingin sa'kin maliban kay Chelly na nakayuko sa kaniyang lamesa na mukhang natutulog.

"Anjan na pala si Marion!" Sigaw ng Escort.

"Oh? May problema ba?" Taka kong tanong.

Umiling ito at ngumisi. "Ano nang nangyari sa 30 seconds? BWAHAHA!"

Sumabay naman ang iba sa tawa niya kaya umingay ulit. Taka ko silang tinignan isa isa at ang huli ang katabi kong tatawa tawa rin.

Huminto siya sa kakatawa ng tapunan ko siya ng masamang tingin. Tinaas niya ang dalawang kamay na parang may kasalanang ginawa at sumuko.

"Ang init mo naman today, mukhang di ka naka-score kagabi HAHAHAHA!" Bulong niya at humalakhak.

Pilit ko namang inalala kung anong meron kagabi at ganyan siya maka—

Shet! Naginuman pala kaming magkakaklase kagabi sa bahay nila Chelly! Bakit ko ba 'yon nakalimutan?

"Score score na pinagsasabi mo jan? At ikaw, anong 30 seconds yon?" Takang tanong ko kay Nicko at sa Escort namin.

Tumawa naman si Perks na escort namin. "Nagkalimutan na agad? Grabe naman yon!"

"Hoy perks! Lasing na lasing ba naman paanong di makakalimutan?" Sabat ng Treasurer namin.

"Naglaro tayo brad, tas kay Chelly tumapat kaya may dare siyang 30 seconds kiss! At ikaw ang nakasama niya sa guest room sa loob ng mahigit isang oras!" Sigaw nito at nagtawanan silang lahat.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon