Chapter 16

6 4 0
                                        



SUNNY POV

Bago kami makalabas ng village nag tago muna kami sa likod ng malaking puno para mag pahinga sandali.

Habang inaayos ko ang magulong damit ni steph nakita ko si david na papuntang park kaya hinintay ko itong makabalik.

Inayos ko rin ang telang ibinalot niya sa leeg kong dumudugo dahil sa pag kakadiin ng espada.

Inalalayan ko na si steph tumayo at nagsimulang mag lakad ulit.

Saktong tumakbo na palabas si david papunta sa building 1 kung saan kami nila steph pumapasok.

Pinasan ko na si steph para masundan ko si david pero mukhang nag kakamali ako dahil dumeretso siya sa likod ng building 2 kung saan makikita ang lumang gusali na tinatawag nilang kampo.

Sinundan ko lang ito hanggang sa buksan na niya ang isang silid na nasisiguro kong andon na ang hinahanap niya dahil hindi na siya lumabas pa.

Ibinaba ko naman si steph ng maingat at sa lugar kung san hindi siya madaling makita.

"Steph.. dito ka lang mag pahinga ka muna titignan ko lang ang nangyayari sa loob." Paalam ko kay steph na ngayon ay nanghihina pa rin.

Tumango lang ito tsaka umayos ng upo kaya maingat akong lumapit sa pinto.

Dahan dahan akong sumilip at saktong pag silip ko may narinig akong pamilyar na boses na nag salita.

"Katapusan mo na!" Sigaw nito at nag labas ng baril.

Taka naman akong tumingin kay david dahil tinitignan lang niya ang lalaking may hawak sa kanya ngayon.

Nakatapat ang baril sa ulo nito at onting diin nalang sa kitil sasabog na ang utak ni david.

Hindi ko na natiis ang sarili kong sumugod dahil walang ginagawang pag laban si david.

Ipuputok na sana ng lalaking naka-royal blue na maskara kaya buti nalang nahawakan ko ang baril.

Gulat itong lumingon sa akin at basang basa sa mata niya ang takot.

"Mukhang hindi pa niya oras" nang aasar na sabi ko tsaka siya kinindatan.

Binaluktot ko ka agad ang kamay niya at tinuhod iyon dahilan ng pag talsik ng baril.

Pilit niya inagaw ang kamay sa akin kaya biglaan ko itong binitawan at napaupo ito sa sahig.

"Parang ngayon ko lang nakita ang maskarang suot niyo.." sabi ko na tinabingi pa ang ulo.

"Yaaaaaa!" Sigaw nito tsaka sinugod ako ng suntok.

Sinalubong ko naman ang kamao niya kaya nagulat siya sa ginawa ko.

"Bat parang nakakita ka ng multo?" Kunyaring natatawang sabi ko.

Sinamaan lang niya ako ng tingin at hindi ko inaasahan ang ginawang pag atake niya sa akin.

Dahil sa pag kasipa niya napaatras ako at napadura ng dugo dahilan para mainis ako sa kanya.

Nag angat ako ng tingin dito at nag sinimulang sumeryoso.

Dark Hill UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon