Ilang araw ding hindi ko kinakausap si Henry kahit na araw-araw siyang narito sa bahay. Pansin ko si kuya hindi galit kay henry parang ayos lang sa kanay ang nangyari sa amin. Nagtataka nga ako kasi hinihiling ni henry na suntukin at pahirapan siya ni kuya dahil sa pagpapaiyak sa akin at hindi niya ginagawa. lagi niyang sinasabi ayos lang daw.Pero ngayong araw himala dahil wala siya. Ayos lang na wala siya kasi may pupuntahan din naman kami ni kuya. Hindi ko lang alam kung saan."Trisha ayos kana ba?" Tanong ni kuya at tumango nalang ako.
"Opo kuya, tara na para maaga din tayong maka uwi."
"Muka kanang zombie dahil sa laki ng eyebags mo! Wahaha!" Tawa ni kuya.
"Ha-ha-ha nakakatawa!" Irita kong sabi kay kuya. Nakakainis kasi totoong ang sinasabi niyang nagmumuka na akong zombie dahil sa eyebags ko na sanhi ng araw-araw kong pagiyak.
Sumakay na kami sa kotse at agad namang pinaandar ni kuya. Nakarating kami sa isang restaurant at di ako pamilyar dito. Halatang pangmayaman dahil sa design ng restaurant.
"Sir, dito po kayo!" Sabi ng waiter habang tinuturo ang direksyon patungo papasok sa loob. Sa tingin ko ay doon kami patungo sa VIP area.
Isang mahabang lamesa ang bumungad sa amin na may mamahalin at masasarap na pagkain ang nakahanda. May-roon itong limang upuan. Umupo ako doon sa tabi ni kuya at may tatlo pang bakanting upuan.
Sabi ni kuya kanina ay may kikitaon daw kami na mahalagang bisita at sila din daw ay partners ni kuya sa business.
"Amh may nagpapabigay pala sayo." Sabi ni kuya at may inabot nalang soyang porselas na may pendant na susi. Biglang kumabog ng kay bilis ang puso ko.
"K-kuya saan mo to nakuha!?" Agad kong tanong at kinuha ang porselas.
"Malalaman mo din sa takdang panahon."
"Kilala mo ba kung sino ang nagbigay sayo?Nakilala mo ba sya kuya?" Tanong kong muli.
"Oo, kilala ko siya." Sabi ni kuya at napaluha nanaman ako ng di oras. Nakainis na talaga!
"Matagal mo na bang alam?" Tanong kong muli at tumango siya. "Bakit ngayon lang? Bakit nilihim mo sa akin? Pinagmuka mo lang akobng tanga kakahanap tapos yung ginawa mo pang kalokohan sa akin! Nakakainis kana kuya!" Patuloy padin ang aking pagitak. Hinahagod ni kuya ang aking likuran at naririnig ko pa siyang tumatawa.
"Syempre kapag ginawa ko yon sa tingin mo magiging exciting pa ang paghahanap mo! Hahaha at least ngayon malapit mo na siyang makilala!" Sabi niya ng tumatawa. "Matagal mo na din siyang kilala kaso nga lang masyado kang bussy para malaman siya nga iyon at di rin niya alam na ikaw ang may hawak sa kapares ng porselsa na yan!"
"Kuya naman eh!" Sabi ko.
"Bilisan mo, kanina ka pa dada ng dada dyan eh di mo panagagawang buksan yan!" Sita niya sa akin.
Kinuha ko na anh aking porselas mula sa aking bulsa. Pinagtapat ko ang susi at ying butas kung saan ko ipapasok ang susi. Nangaalangan pa akong buksan to baka kasi hindi ito ang kapareho niya pero napangiti nalang ako ng magbukas ito. Kinuha ko mula sa loob nito ang isang papel at halatang lumang luma. Binuklat ko na ang papel at binasa ang nakasulat doon.
Ako at ikaw nangangakong
Sa ating paglaki ay tayo ang
Magiging ISA.
Papakasalan natin ang isa't isa.
Basa ko sa papel na nakasulat dito. Next ko namang ginawa ay----"Dad, why can't you stop!" Dinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses. Kumabog nalang bigla ng kay bilis ang puso ko.
BINABASA MO ANG
The FASHIONISTA, SADISTA and NERD (Editing)
Ficción GeneralThe FASHIONISTA, SADISTA, and NERD Tatlong babaeng magkakaiba ang katauhan. FASHIONISTA- siya ang laging maganda at maayos ang pananamit. Hindi naman siya maarte at sa totoo lang sa kanilang tatlong magkakaibigan siya ay pinaka maraming Crush. Siya...