Trisha's POV
Monday. Dalawang linggo na ang nakalipas ang bilis no mamaya baka end na (A/N: Pssst wag ganyan!) Joke lang naman. Oo dalawang linggo na ang nakalipas pagkatapos ng event at sa dalawang linggo na yon araw-araw pumupunta dito sa bahay si Henry laging nagdadala ng bulaklak at chocolate. Lagi silang naguusap ni kuya kala mo sila na yng magkapatid ako istatwa lang. Hatid sundo niya ako at lagi siyang nakikisabay samin kapag launch break na. Sa tuwing lalapit siya lalong lumalakas yung tibok ng puso ko. Mas nagugustuhan ko siya.
Yung si Rhoxanne at Ramson naghaharutan sila. Pati si Sandy at si Marvin di ako na update sila na pala. Isang linggo na daw sila sabi ni Marvin tapos si Sandy kapag tinatanong ko namumula lang siya di sumasagot.
Di pala naghaharutan si Rhoxanne at Ramson, sinasapak lang pala ni Rhoxanne si Ramson. Kawawa naman tong si Ramson, pero alam niyo tuwing sinasaktan ni Rhoxanne si Ramson humuhingi din siya ng tawad eh kasi yung iba niyang sinasapak pinababayaan niya lang, hindi siya marunong humungi ng tawad. Last week nga may nasapak siyang apat na lalaki eh pano nabangga lang si Ramson tapos umiyak, isip bata talaga. Tapos parang nanay na sumugod si Rhoxanne kaya yon yung apat Comatose, sabi critical daw sila. Buti malakas kapit ni Rhoxanne hindi siya na-expell.
Sinasapak ni Rhoxanne si Ramson kasi naman pinagkalat niya na Fiance daw niya si Rhoxanne at ang malala pa nagbigay ng mga FLYERSsssssssSSSSS na sobrang dami at ang nakalagay doon ay....
==============================
Rhoxanne Rivera is the Fiance
Of Ramson Sanchez.
No one allowed to talk to her
Except her friends and teachers.SO BACK OFF
t(•-•t)================================
Sino ang di magagalit sa ginawa niya kasi lahat ng estudyante binigyan niya and pati mga teachers.
*~~*
"Babe, among gusto mo?" Tanong ni Henry. Nasa canteen na kami kasi launch na.
"Amh kahit ano?" Sabi ko naman.
"Ikaw love ano namang gusto?" Tanong naman ni Marvin kay Sandy. Inirapan naman siya ni sandy.
" Gusto ko umalis ka sa harapan ko! Manyakis ka!" Wahahaha grabi talaga yung bunganga ni Sandy walang preno!
Ang daming binili ni Henry na pagkain halos pang buong baranggay ang papakainiin niya.
"Bat ang dami mong binili?" Sobra sobra nato!
"Treat ko kasi dalawang linggo na tayo!" Kailangan ba talaga!
"Dude, kasali ba kami dyan?" Biglang sumulpot si Ramson na kanina lang ay sinasapak ni Rhoxanne.
"Kami ay?" Isa pa tong si Marvin.
"Wala ka talagang hiyang lalaki ka!" Sigaw ni Rhoxanne tapos binatukan niya si Ramson. Kawawa naman si Ramson.
"Hon---"
"Wag mo akong tawaging Hon, nyemas kang adik--" boom natahimik na si Rhoxanne. Pano hinalikan siya ni Ramson yan ang pampatahimik sa bunganga ni Rhoxanne at para matigil din siya pagiging sadista niya. Natatameme siya pagkatapos halikan ni Rhamson. Yiiieeeeh ang sweet nila!
BINABASA MO ANG
The FASHIONISTA, SADISTA and NERD (Editing)
Ficção GeralThe FASHIONISTA, SADISTA, and NERD Tatlong babaeng magkakaiba ang katauhan. FASHIONISTA- siya ang laging maganda at maayos ang pananamit. Hindi naman siya maarte at sa totoo lang sa kanilang tatlong magkakaibigan siya ay pinaka maraming Crush. Siya...