ELISE'S POV
Pagkatapos kong ayusin lahat ng gamit ko'y bumalik ako sa office ni Mrs. Cinco, inabutan niya ako ng isang paper bag na naglalaman ng uniform, at hindi ko naman maikakala sobrang ganda ng uniform at mukhang hindi pipityugi.
The skirt is checkered with different shades of blue, paired with a high knee black socks and the top is a round neck collar blouse with a matching checkered blue ribbon.
Mrs. Cinco handed me the gray blazer and she also pinned the silver badge. Ilang sandali pa'y dumating na nga ang kotseng susundo sa akin, akala ko grab lang pero nang makita ko ang driver ay nagulat ako dahil masyado itong nakasuot ng pormal na uniporme.
"Ola, Mrs. Cinco!" nagbeso pa ito kay Madam at binati rin ito ni Mrs. Cinco, mukhang magkakilala sila.
"Elise this is George, the Institute's chauffeur. He's gonna take you there," inabot ni Sir George ang kamay ko at nakipagkilala, tinulungan niya rin akong ilagay ang mga bagahe ko, halos malula ako Sedan na sasakyan namin papunta doon, sobrang gara. Kinakabahan ako, what should I expect when I get there? It looks like this is a boarding school for elites and I only got in through a scholarship. And based on what I've heard when you got into this scenarios, people like me usually are the ones that gets picked on.
"No, Cross students aren't like that," nginitian ako ni Sir George, nagulat naman ako na parang nabasa niya ang nasa isip ko pero ipinagsawalang bahala ko na rin. The look on my face must've gave it away.
One last look at St. Mary's and I finally stepped into the car. I'm more scared of what lies ahead than leave this place. Wala naman akong maiiwan sa St. Mary's, I'm just one of those who doesn't socialize and were never attached to anyone or anything. I'm used to people leaving ever since, that's how I lived all these years. That's how I survived.
"Uhm, gaano po katagal ang byahe?" tanong ko kay Sir George, tinignan niya ako mula sa rearview mirror at nginitian, "mga tatlong oras, pwede ka naman magpahinga muna kung gusto mo,"
Ganun katagal? Hmm, I've never heard of The Cross Institute within the premises of Manila so it must've been a private property only for the privileged and must've been located in a remote area.
Sinubukan kong i-google pero hindi nagloload ang webpage kahit na naka LTE naman ang phone ko. How rich can this school be that even they manage to block search engines to have any information about it. Dito kaya ipinapadala ang mga anak ng sikat na politicians? Mga anak ng bigating artista? Andito din kaya ang mga anak ni Henry Sy? If it's something out of reach within the media and the public, it's a huge possibility.
Hay, bahala na. Whatever it is, I'm gonna be ready for it. Gusto ko lang naman maka graduate sa may pangalan na school para malaki ang chance na makakuha ng magandang trabaho. I just wanna live life comfortably.
Nakinig nalang ako ng podcast at tahimik na pinagmamasdan ang mga buildings sa labas, hindi ko na napansin na nakatulog na pala ako. Pagtingin ko sa labas ay puro puno na ang nadadaanan namin.
"Malayo pa po ba tayo?" kinusot ko ang mata ko at tinanong si Sir George.
"Malapit na tayo Miss," he answered. Pumangalumbaba ako at tumingin ulit sa bintana ng kotse sa harap at sinusubukang tanawin ang tinatahak naming daan. Saan ba ito? Vizcaya o papuntang South?
I was just blankly staring at the road ahead when I noticed something glistening in the sunlight and is giving a blurry static effect. Para siyang screen ng tv medyo nagiging static, na pag tumatama sa araw ay nagkakaroon ng microwave images. Dire-diretso lang ang pagdadrive ni Sir George sa daan at nang malagpasan namin ang turning point na 'yon ay nilingon ko ulit mula sa bintana ng kotse pero wala na ito. Kinusot ko ulit ang mga mata ko pero wala na akong makita.
BINABASA MO ANG
Project X (published via Sanctum Press)
Science Fiction[TAG-LISH] "hiddens" are species who have an altered genome in their DNA and is considered a genetic failure that has evolved during conception and is considered higher than the average human in terms of intelligence and capabilities. Elise is an...