Chapter 18: Captive

11.8K 491 14
                                    

ELISE'S POV

Hindi ko maintindihan kung anong tumatakbo sa isip ne'to. Parang ayaw niyang makipagusap sa akin tapos bigla may pa 'stay with me' pa siyang nalalaman. Pero ano pa bang magagawa ko diba? Makikipagmatigasan pa ba ako.

Tinuruan ko sina Lia kung paano sumakay ng bus at bumaba sa stop sign kung saan malapit ang point 3 na nakadestino sa kanila.

Tinuro ko rin sa kanila kung paano kami pupuntahan kung sakaling kami ni Carter ang magka problema.

Alam kong parang wala nang kwenta ang pagtuturo ko ng bawat direksyon at lugar dahil parang binabasa ko lang rin naman ang mga nakalagay sa mapa. Pero dahil yun naman talaga ang role ko kaya lulubusin ko na.

Nagkahiwalay kami nila Lia nang sasakyang bus sa pangalawa naming baba dahil sa magkabilang direksyon naming dalawang team.

Makulimlim ang langit na mukhang walang balak ang araw na sumikat ngayon at mukhang maya maya'y may pag asang umulan.

Nagsimula na kaming maglakad sa gilid ng highway papunta sa malalaking buildings. Napamumugaran ng iskwater ang bawat sulok ng maynila at pati ang highway ay hindi rin nakaligtas kaya't napakarami na ring eskinita ang matatagpuan rito.

Ayon sa mapa, ang point 4 ay isang eskinitang nasa pagitan ng dalawang establishment ng starbucks at Jollibee. Ang point five naman ay nangyari rin sa mismong barangay sa may katapat na eskinita.

"Wag kang tatanga tanga at wag kang lalayo sa akin," paalala ni Carter sa tabi ko na ang mata'y palinga linga sa kung saan saang direksyon.

Damn him and his choices of words. Sanay na ako do'n, kaya tumango nalang ako. Nakarating kami sa lugar na nakadestino para sa amin.

Ang eskinitang iyon ay maliit at madilim na madilim kapag sasapit ang gabi dahil walang kahit ni isang streetpost na malapit.

Pinasok namin ang starbucks na puno ng customer. "That barista guy is suspected to be a neolutionist. His name is Neil, and it was said that this café might be a go-to place for people like them. Just observe for now and approach him. I'll go find a cozy seat," ani Carter at inutusan pa akong mag order ng kape.

Wala akong nagawa kundi lumapit sa counter. Nagkatingin kami ni Neil at binati niya ako. "Hi ma'am, what's your order?" ilang segundo ko siyang tinitigan, sinusubukan alamin kung may mapapansin ba akong kakaiba sa kanya.

"Hi, uh one venti caramel macchiato and grande americano please," I told him and tapped my phone to pay via Gcash.

"One venti caramel macchiato and grande americano for?" he asked.

"Louise," tipid kong sagot. Sinulat niya ang pangalan ko sa cups at napansin kong pinasadahan niya ako ng tingin bago ako umalis ng counter pagkakuha ng orders namin ni Carter.

Nagsimula na ring pumatak ang ulan. Tahimik lang si Carter na sumisimsim da kape niya at paikot ikot ang tingin sa paligid at ginaya ko nalang rin siya.

Wala naman ata talaga akong balak kausapin. Ba't naman kaya? Parang may nagawa naman ata akong kasalanan sa kanya na hindi ko man lang alam. Para naman atang magkaaway kami na hindi ako na informed. Jusko, ba't ba hindi niya ako pinapansin.

Huhugot na sana ako ng bwelo para magtanong pero natigilan ako nang tumaas ang balahibo ko sa leeg at naramdaman kong may nakatingin sa akin.

I quickly snapped my head in that direction and Carter also noticed that something caught my attention. May matandang lalaki na nakatingin sa amin ni Carter at nakangisi ito, hindi man lang inaalis ang pagkakatingin kahit na alam niyang napansin na namin ang pagkakatitig niya.

Project X (published via Sanctum Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon