ELISE'S POV
Lahat kami ay may kanya kanyang station para sa pagdedecode at ma bypass ang firewall para mailagay ang password na makakapag unlock ng file. Naagaw ang atensyon naming lahat nang masayang humiyaw si Stan at nagtatalon. Napatingin kami sa holograms ng station niya at hindi kami makapaniwalang na bypass nya ang firewall.
"Firewall disabled. Please enter the password to unlock the file."
Nagfa flash sa screen iyon at lahat sila ay nakatingin sa akin. Dahan dahan kong nilapitan ang station ni Stan at nanginginig na tinype ang password. Humugot ako ng ilang segundo bago pinindot ang enter.
Namula lahat ng hologram screens bago unti unting nagsilabasan ang mga information tungkol sa research ni Mama. Kitang kita namin lahat ang napakaraming thumbnails na naglalaman ng procedures, components at chemicals patungkol dito.
Hindi ako nagdalawang isip na i delete ito lahat at mag self destruct lahat ng database na naka link sa system nito.
Nang tuluyan na itong masira ay nagsi hiyawan kaming lahat.
"We did it! " Mr. Jones tapped my shoulders while everyone cheered, congratulating everyone. Napayakap sa akin si Lia. Nang kumalas ako sa yakap niya ay sunod ko namang sinunggaban ng yakap si Carter na nakangiti sa tabi ko.
Sa sobrang saya ko, wala na akong pakialam na maraming nakatingin at kahit nandito pa silang lahat nawalan ako ng hiya.
I guess, they already figured Carter's role in my life. "So proud of you. " he whispered in my ear.
Pero nang manumbalik ang aking hiya ay kumalas na rin ako at ngumiti sa sinabi niya.
"Thanks. "
Binalingan ko si Stan ng ngiti habang nakipag high five sa kanya.
"Galing mo ah. " ngisi ko.
Ramdam ko ang tensyon sa pagitan naming tatlo pero hanggang doon nalang 'yon at mukhang pahupa na.
Oras at panahon nalang ang kakailanganin.
Carter and Stan were cool between each other.Maayos ang pakikitungo at paguusap nila.
Casual at professional lang.
Walang bahid ng personal issues at hindi dapat. Dahil mas marami kaming problemang dapat harapin ngayon.
Mas kailangan naming magkaisa at hindi mag iringan.
And besides, okay naman na. Magkaibigan kami ni Stan yon ang relasyon na inaayos namin ngayon.
Nagtagumpay kaming sirain ang file, ngayon ang natitira nalang sa plano ay ipaubaya kay Storm ang mind control to convey what happened jn the past at hintayin ang bloodmoon.
11:55 PM
Limang minuto nalang bago tumaginting ang kamay ng orasan sa hating-gabi. Nakapagplano na kaming lahat sa aking silid at oras nalang ang aming inaabangan.
Nakapwesto na si Storm sa veranda. While Lia, Khal, Stan and Fenrir will stick together to keep an eye on Jeanne while I find Mrs. Perez. When she finds out that we already know her plan, she'll probably be nowhere in sight and flee to buy herself some time and maneuver her allies instead.
BINABASA MO ANG
Project X (published via Sanctum Press)
Ciencia Ficción[TAG-LISH] "hiddens" are species who have an altered genome in their DNA and is considered a genetic failure that has evolved during conception and is considered higher than the average human in terms of intelligence and capabilities. Elise is an...