ELISE'S POV
"The tallest building right there consists of, cafeteria, gymnasium, training room, storage room, at dining hall."
May kompetisyong nagaganap. May rankings din ang eskwelahang ito, pero hindi yun nababase sa pataasan ng grado sa exams. There is an annual combat, and that's how you can be part of the strongest group they called the elites.
Kundi palakasan at pagalingan ng kakayahan. At lahat ng department, naglalaban laban.
Oras na ng hapunan nung matapos kaming mag-ikot kaya dumeretso na kami sa Cafeteria.
Nasa likod lang ako ni Flare, sabay kaming nakakuha ng pagkain sa counter, dederetso na sana kami sa dulo nung may tumawag sa pangalan naming dalawa.
"Flare! Elise!" napalingon kami, at nakita namin si Fenrir na kumakaway.
"May space pa for two!" meron siyang apat pa na kasama. Dalawang babae, dalawang lalake.
"Okay lang ba kung doon tayo? Mga kaibigan ko naman sila kaya ayos lang. Pero kung ilang ka pa eh hanap tayo ng ibang bakanteng upuan na pang dalawahan," pero tumanggi na ako at sinabing ayos lang naman.
Nagtungo na kami sa mesa nila Fenrir habang nakangisi siya, "mukhang pinag isipan niyo pa ah."
"May kasama kasi ako e. Baka kagatin mo mahirap na," inirapan nalang niya si Fenrir at naupo dun sa bakanteng tabi nung isang babae, na kaharap ni Fenrir, bumati siya dito at sa tatlo pa. At yung natitirang bakante nalang e sa tabi ni Fenrir kaya dun nalang din ako naupo.
"By the way guys, this is Elise, my roommate, she's clairvoyant," tapos nakatingin na silang apat sa akin. Unang bumati yung babaeng katabi ni Flare.
"Hi, Im Lia, I'm.." hindi niya tinapos yung sinasabi niya at tumingin dun sa tray ko ng pagkain at bigla nalang lumutang yung Coke in can ko.
"Psychokinesis or Telekinesis," sabi ko sa kanya na napangiti naman siya. "Right. And this is Zion, na literal na nawawalang parang bula at sumusulpot na parang kabute," she smirked.
"What a nice way to introduce me huh," Zion snickered. Natawa naman ako sa kanila habang nagbabatuhan sila ng chips. "Teleportation?" I raised a brow. Tumango naman siya at nakipagkamay, "nice to meet ya,"
"Khal, have the telesthesia," at may nag abot ng kamay niya sa akin, inabot ko naman yun at napatingin sa kanya. Nakataas yung buhok niya, bulky rin ang katawan niya at bilugan ang itim na mga mata. Ngumiti siya at napansin kong may dimples siya. Oh, another fine one who have the ability to see a distant and unseen target using extrasensory perception.
Napatingin naman ako dun sa babaeng katabi niya at inilahad ko ang kamay ko. "Elise,"
"I'm Jeanne. And as much as I love to shake hands with you, I don't want to invade your privacy." Tipid na ngiti ang ibinigay niya sa akin.
"She has clairstinence." Fenrir winked. Oh, the ability to acquire psychic knowledge by touch.
Pagkatapos makipagkilala ay sobrang ingay at daldal nila, nakakatuwa rin ang mga pinag uusapan nila at kahit hindi ako masyadong nagsasalita ay hindi naman ako na bored.
Inikot ko ang tingin ko dahil parang halos lahat sila nakatingin sa gawi namin at tama nga ako. Kinalabit ko si Flare at nagtanong, "bakit parang lahat sila nakatingin dito o ako lang ba 'yun,"
"Hayaan mo sila," she just answered and I think everyone in our table also heard what I asked.
"It's okay, they're probably curious because you're the new girl." Fenrir winked again and assured me. Pero I don't it's just because of being the new girl, it takes more than that to draw this much of an attention.
BINABASA MO ANG
Project X (published via Sanctum Press)
Ficção Científica[TAG-LISH] "hiddens" are species who have an altered genome in their DNA and is considered a genetic failure that has evolved during conception and is considered higher than the average human in terms of intelligence and capabilities. Elise is an...