Chapter 4: Hydrokinesis

18K 677 12
                                        

ELISE'S POV

Oh my God.

Nakikilala niya ba ako?! Hindi naman siguro diba? Ugh, pero deretso ang tingin niya sa akin! Siya yung lalake kahapon sa soccer field!

Tumagilid ako at humarap kay Fenrir at pumikit, oh please, I need my clairvoyance to work. I need an escape route, yung tipong pwede akong mawalan ng malay dahil lilipad ang utak ko sa ibang time and space.

"Nasa harap siya ng isang newbie, bakit kaya?" narinig kong may nagbubulungan sa likuran ko. Napadilat ako dahil doon at pagtaas ko ng paningin ko, nasa harapan ko na siya.

Walang ekspresyon ang mga mukha niya, pero napakatalim ng mga tingin.

Si Jeanne, nalilito rin na nakatingin. Oh gosh, I am so dead.

"That was you. Yesterday? Remember me?" at nagsalita na rin siya.

Umiwas ako sa eye contact. "Don't be such a crybaby and just get over it." I tried to keep my cool, pero ang totoo? Gusto ko ng maihi. I messed with the wrong person, and him being the top elite, actually made it worst. Di ko naman alam na ang pers onor na tinutukoy niya ay ganito pala ka big deal.

"You will pay for what you did." Mariin niyang tugon. Jusko naman, dalawang beses ko ng narinig 'yan ngayong araw. Ang bilis kong magkautang dito sa school na 'to, at buhay ko pa talaga ang kapalit? Wala bang installment diyan? 5/6?

Hinila niya yung kamay ko ng marahas kaya napatayo ako. Nabigla ako at napasinghap  nung bigla niya nalang akong hilain palabas ng room.

Nakarating kami sa gilid ng main building kung saan nandoon ang pinakamalaking artificial na lawa.

Nakatalikod parin siya, anong balak niyang gawin?! Lulunurin niya ba ako?

"Ano ba? What do you want?!"nilingon niya ako at itinuro ang kanang paa niya.

"Okay fine, I'm sorry. Okay na? Hindi ko naman sinasadya? Pwede na ako umalis?" Oh diba, ganun kadali lang mag sorry, mga tao dito di ata nakapag GMRC.

"You didn't mean to? Really? I actually know the difference of what's intentional and what isn't," kumuyom yung dalawa niyang kamao.

"Eh kung sabihin kong yung gagawin ko sayo ngayon e hindi ko rin sinasadya?" tinaas niya yung isa niyang kamay at kasabay nun yung pagtaas rin ng tubig sa ilog.

Nakasteady lang yung tubig sa tabi niya at parang naghihintay sa susunod na kumpas ng master niya. Sabi na e! Mamatay na ako!

"What the hell is wrong with you? Nag sorry na ako diba?" nanginginig kong tinignan yung kamay niya, na tinuro yung direksyon ko at pati yung tubig, papunta na rin sa akin kaya napaatras ako.

Isa, dalawa, tatlong hakbang at higit pa hanggang sa maramdaman ko yung matigas na pader ng building sa likuran ko. Wala na akong maatrasan.

Nakarating yung tubig hanggang sa paa ko, basa na yung rubber shoes ko.

Kinuyom niya ang mga palad niya at unti unti, nagiging yelo yung tubig sa pagitan naming dalawa mula sa kanya.

Carter Frost? Hydrokinetic with the subtype of ice. Hanggang sa unti unti, may paisa isang lumalabas na matutulis na parang kutsilyo na gawa sa matitigas na yelo.

Nagulat ako nang makita na isa isang lumalabas ang mga matutulis na iyon papalapit sa akin, at papalaki. Halos isiksik ko na yung likod ko sa pader.

Rinig ko ang malakas na pintig ng puso ko, bakit ba lahat nalang ng makakasalubong ko dalawang tao pa na nasa rurok ng listahan? Hindi ata talaga uso ang sorry dito.

Project X (published via Sanctum Press)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon