Chapter 7: Defense

15.5K 566 17
                                    

ELISE'S POV

Friday is for defense, and would be focusing on physical activities. Not really sure how physical it would be.

Ayaw naman kasi i-spoil ni Flare dapat surprise daw dahil first Friday ko ito. At yung PE uniform din ang suot naming ngayon. Kasabay namin si Lia at Jeanne palabas nang dormitory papuntang main building.

Pagkadating namin ng 6th floor, kung saan nandoon ang training room, halos lahat na ata ng estudyante nasa loob na pero wala pa namang instructor sa harap dahil maingay pa naman sila. Lumapit kami kila Zion at Fenrir di kalayuan na kumakaway sa amin.

"So ano nga ba talaga ang mechanics ng defense?" isa isa ko silang tinignan at tinanong, nginisian lang ako ni Fenrir. "Chill ka lang," inikot ko ang tingin sa loob ng training room.

Hindi tulad sa mga classrooms at dormrooms, fibre glass ang floor at hindi tiles, wala namang kahit ano maliban sa mga dingding na kulay puti at isang platform sa harap na may mic.

"Andyan na si Mr. Jones." napalingon naman ako sa harap nung tumahimik na lahat.

Nakatayo sa harapan ang isa sa mga peacekeepers, ngayon ko lang siya natignan nang maayos, mukha siyang wala pang edad.

Bulky, naka army cut yung buhok at nakasuot nang red na polo at jeans na may nakasabit na pito sa leeg. "I'm sure your other teachers will tell you that your classes in Information technology and genetic science are more important than this one. But tell me this: how much are those classes going to help you when you're under attack from a neolutionists?
You think books are going to save you when those motherfuckers comes calling?" He just cursed like it was nothing and no one dared to react, damn. He's the real deal.

"Sa mga freshmans, lumapit kayo sa harap." nagsalita siya sa may mic na puno nang awtoridad, nakakatakot yung tono niya.

Mas lalo na yung tindig at mga tingin niya habang iniikot niya yung mata niya sa buong estudyante. Pumagilid yung mga seniors at juniors at nagbigay daan para sa aming mga freshmans.

Napalunok ako habang nakatingin lang sa mga freshmans na nagsisipuntahan na sa harap. "Wag kang kabahan."

Bulong ni Flare, kaya napatingin ulit ako sa direksyon nila, tumango silang lahat at binigyan ako nang ngiti.

Kaya wala na akong nagawa kundi sumama sa mga nagkumpulan sa harap. Sa tantsya ko, nasa 20+ lang kaming freshman.

"Call me Mr. Jones from now on, isa ako sa mga peacekeepers niyo at assigned for your defense lessons during Fridays."

At isa isa niya kaming tinignan, hanggang sa nakarating sa akin at mas lalo akong kinabahan. "Elemental Earth Dijinn." naglakad lakad siya sa platform habang nagsasalita, "Hindi ito kapareho ng mga training niyo sa ibang araw, this is a combination of your physical ability and your hidden ability."

"What you need during power combat is not your abilities only, but also your endurance and physical strength, and ah! Yes, weapons."

Pagkasabi niya nang weapons, nakaramdam kami nang vibration kaya napatingin kami sa mga walls na biglang nagopen sa gitna na parang isang secret door. Napa 'wow' naman kaming lahat ng freshmans at lumabas ang stacks nang mga sword,stake, spear, bow and arrow, dagger, blades, at kung ano anong pang gawa sa steel.

Sa may kanang wall naman, mga firearms, na iba't ibang types na hindi ko naman alam ranging from the smallest one to the big ones. Akala ko kanina, isang simpleng silid lang ito, yun pala there's a hidden weaponry section.

"First of all, you have to familiarize your self with all these weapons, but you have to chose your weapons also kung saan kayo magaling sa paggamit neto,"

Project X (published via Sanctum Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon