Chapter 24: White Lie

11.3K 449 17
                                    

ELISE'S POV

Pagkalabas namin ng Timor ay sinalubong kami ng palapak. We were on the second place, nanalo ang Team A dahil kumpleto pa rin sila. But still, second place isn't so bad.

Naka standby din ang mga healers para sa mga injuries na nakuha namin. Habang inaasikaso ako ng isang healer ay lumapit ang mga kaibigan ko at binati ako.

"Galing natin doon ah!" ginulo ni Fenrir ang buhok ko, natawa nalang ako sa kanya.

"Sinwerte lang sa mga kasama. Wala nga akong masyadong ambag eh," sagot ko.

"Not really, you were able to predict what will happen. Alam mo bang kaya Rank 1 si Alena sa batch niya noon dahil 'yan ang skill niya. She was able to avoid possible dangers, she survived the arena because of that. Sa arena, hindi lang kapwa mo ang kalaban mo, ang mismong arena rin. Dahil may mga unexpected na pwedeng mangyari sa paligid para mas mapabilis ang game at mapaglapit ang mga magkakalaban sa isa't-isa. Maybe if you'll train a little bit more, mas mai-improve mo yang skill na 'yan." sabi ni Lia, at tumango naman silang lahat.

Nakikita ko si Carter sa peripheral vision ko, nakatingin lang siya sa gawi namin pero hindi niya sinubukang lumapit. Iniiwasan ko rin na mapatingin sa gawi niya, dahil naiinis pa ako sa kanya kagabi.

Habang nakikinig ako sa mga asaran nila Jeanne at Zion ay nawala na naman ang wisyo ko at napunta sa kung saan.

Nakita ko si Elle na nakaluhod sa harapan ng lalaki may volto mask, humihingi ito ng tawad.

"I'm sorry, hindi ko naman akalain na mahuhuli ako, bigyan niyo pa po ako ng isang chance para makabawi. I'll do anything, please."

"That girl is interesting. Simula nung dumating siya sa Institute ay sunod-sunod na nasira ang mga plano ko. Si Stan ang magdadala sa kanya dito. I'll give him a week, if he failed to do so, you'll kill him." ani ng lalake. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maaninag kung sino siya, mas mataas pa siya kay Mr. Z, at malamang alam niya na may mga psychic na kagaya kong kayang makakita ng nakaraan, kasalukuyan at ng hinaharap. And that's what he's trying to avoid. Whoever he is, he's dangerous.

"What?! No! I can't do that to him!" Halos hindi makapaniwala si Elle sa narinig niya. Bakit ganun ang reaksyon niya? I've known her for quite some time now. And she's not the type to spare someone else's life. Unless, magkakilala sila ni Stan.

"Sinusuway mo ba ako? Elizabeth?" ani ng lalake. Natahimik si Elle at ilang segundo rin bago sumagot.

"Hindi po. Masusunod po ang utos ninyo,"

iyon na ang huli kong nakita bago ako bumalik sarili ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at hindi ko mapigilang mag alala para kay Stan.

"Are you okay? Parang namutla ka diyan?" napansin ni Lia ang pagbabago ng mood ko. Umiling ako sa kanila at pineke ang ngiti. I don't want them to know. Mag aaala lang sila para sa akin, ayokong bakuran nila ako dahil sa oras na malaman nila ay hindi na ako makakawala sa paningin nila anumang oras. At hindi iyon pwedeng mangyari, I have to save Stan. I owe him my life.

Dalawang linggo. Iyon ang palugit na ibibigay sa kanya para kunin ko. Pagkatapos na pagkatapos ng power combat, gagawin ko ang plano ko.

I will run away.

-

I don't know if Carter was just busy, or he's giving me the space I want. Hindi niya ako nilalapitan at tinitignan man lang.

Dahil bukas na ang power combat, naging defense class na namin ngayon kahit miyerkules. And he's not even talking at all.

Mas lalo lang tuloy ako naiirita. Hindi ko rin naman alam kung bakit ako nag iinarte, ayoko rin naman na ako ang unang makipag ayos. Mainit lang siguro talaga ang ulo ko kagabi.

I appreciate that he's giving me a space, but it's getting more awkward, I just want us to go back to normal. Ni ayaw niya pa ngang lumapit sa akin ng lagpas isang metro, I can sense it, dahil buong magdamag kaming nags-sword fight. Tanging tunog lang ng espada namin ang nag-iingay, at sa tuwing sinasadya kong bitawan ang hawak kong katana, hinihintay ko siyang mang asar kung gaano kalambot ang mga braso ko na parang chicken wings o kaya naman dahil pasmado ang mga palad ko, pero wala siyang ibang ginagawa kundi tumango lang sa katana na nasa sahig at sumesenyas na pulutin ko.

And then waterbreak, and sword fight again.

During waterbreak, when he didn't know I was looking, I can see this faraway look cross his face, I didn't know if he was nervous about tomorrow's power combat, or if like me, he was disappointed by the uncomfortable distance between us.

Cellar Duty. Mr. Jones is really evil, pagod na nga kami kakaensayo kanina para bukas, hindi man lang niya kami pinag-day off.

Nauna siyang pumasok sa loob, pagkasarado ko ng pinto ay balak ko sana siyang lagpasan at magsisimula nang mag ayos sa aisles pero nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso. "Hey, are you still mad?" He asked. My heart was pounding and I'm trying to shut it up but it won't.

"Ha? Hindi ah. Bakit naman ako magagalit," sinubukan kong matawa, pero mukhang mas peke pa sa diploma sa recto ang kinalabasan non.

"For yesterday night, that's not what I meant. I was just worried," aniya.

"I know." tumango ako. "We're friends, and I understand. I overreacted, ako siguro dapat yung mag sorry. Nahihiya lang kasi ako sa'yo kasi feeling ko ang OA ko. It's just that it was a long day and I was really tired. Kaya medyo mainitin ulo ko, hayaan mo na. Tapos na 'yon," nginitian ko siya at nagbalak na talikuran ngunit nabigla ako sa sumunod niyang sinabi.

"Promise me you won't be reckless anymore. Pakiramdam ko mababaliw ako kakaisip sa tuwing may nangyayaring masama sa'yo," hinawakan niya ako sa magkabilang braso at pinihit paharap sa kanya.

"Ha? Ano bang sinasabi mo.." hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Pakiramdam ko anumang oras ay iiyak ako. I miscalculated, I know I have feelings for this guy, but now isn't the right time to talk about it.

"I like you, Elise. More than what I'm allowed to like someone," napapikit ako, konting konti nalang malapit na akong maiyak.

Please, Carter. I've always wanted to confront you about what's going on between us but now that it's already happening, I can't tell you yet. I can't promise you anything. Bakit sa tingin ko ay pakiramdam mo na may pinaplano ako na ikakapahamak ko. And as much as I want to stay by your side, I already made a choice. And for now, it isn't you.

"Hey, wala ka bang sasabihin man lang?" Hinawakan niya ang pisngi ko at hinihintay akong magsalita. I have to make this quick or else, I won't be able to put up an act.

Humakbang ako ng kaunti at nagbigay ng sapat na distansya sa aming dalawa, hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa aking pisngi at ibinaba ito.

"I'm sorry, pero kaibigan lang ang tingin ko sa'yo." pinigilan kong huwag manginig ang boses ko.

"What? No. You're lying, akala ko all this time you like me too. Yung pagiging concern mo, yung pag alaga mo sa akin sa medical wing, anong ibig sabihin non?" alam kong pinipigilan niyang hindi ma badtrip sa harap ko.

Napabuntong-hininga ako, "ibig sabihin lang noon ay tumatanaw ako ng utang na loob. Nothing else,"

"The reason why you're training so hard to be part of project X, is it because of the neolution boy? Siya ba ang nasa isip mo all this time?" tanong niya. Wala akong ibang masagot, natahimik lang ako. Isipin niya kung anong gusto niyang isipin basta ang mahalaga, hindi niya malaman ang totoo.

"In the first place, talo pala talaga ako." umiling siya at natawa ng sarcastic. "And you think I'll help you be part of the elites? No. I won't put your life in danger for a lame boy. That's the least that I can do," mabilis niya akong tinalikuran at padabog na sinara ang pinto. Saktong sunod-sunod ang agos ng luha ko, napakapit ako sa coffee table dahil pakiramdam ko ay anytime mawawalan ako ng balanse dahil sa sobrang panlalambot ng tuhod ko.

Pagkatapos nito, hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin. But you don't have to know how much I like you, jerk.

Project X (published via Sanctum Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon