Chapter 21: Poison Ivy (Part 2)

12.3K 482 18
                                    

ELISE'S POV

"W-what?" alam kong tama ang naisip ko pero hindi ako makapaniwala. Hindi ako makapag isip ng maayos kung anong dapat gawin, it's even harder to figure out what kind of poison it is, and what antidote to use.

"Let's go, dadalhin kita agad sa medical wing," pinilit ko siyang hinila at itinayo pero pinigilan niya ako at hinila palapit sa kanya.

"W-we have to do the first aid, first. If not, this will kill me right away. Poisons will either take effect the fastest would be in 15 minutes, the slowest would be until 30 minutes. Kailangan mong sugatan ulit yung part na nasaksak at palabasin lahat ng dugo, hanggat sa masaid. Then I'll freeze it, it will buy us time until we go there," halos hindi ko na marinig ang boses niya.

"P-paano? We don't have anything to sanitize your weapon with," napatingin ako sa swiss knife na nasa sahig at punong-puno ng buhangin. I don't wang to infect his wound further. Hinila niya ang kamay ko at nagpatong ng matulis na bagay sa palad ko. It's a dagger made of ice, he pulled me close and positioned the weapon on his shoulder.

"Do it, we don't have enough time." hinahabol niya ang kanyang paghinga at hindi ko alam kung kakayanin ko ba talagang gawin 'to.

"Please don't die on me," hindi ko mapigilang bumuhos ang mga luha ko, umiwas ako ng tingin sa kanyang mukha at nag focus lang sa sugatan niyang braso. Hindi ko maiwasan ngumiwi habang unti-unting bumabaon sa laman niya ang hawak ko.

He gripped my free hand tightly and he's doing a great job not to scream his lungs out while wincing in pain.

Nang maramdaman kong tuloy-tuloy ang pag agos ng dugo sa braso niya ay diniin ko pa lalo ang pressure para tuluyang lumabas lahat ng lason sa katawan niya.

He freezed his own wound for the meantime and we make our way to the medical wing.

Sa main door palang ay nakasalubong namin si Sir Bres na mukhang balak ng magpahinga pero gulat na gulat siya sa sitwasyon naming dalawa ni Carter na may dugo sa mga damit at si Carter na halos hindi na makalakad ng maayos dahil hinang-hina na ang katawan.

"What happened?! Should I inform the peackeepers?" sinalubong niya kami at tumulong na akayin si Carter papunta sa main office niya.

"No Sir, we actually sneak out. Ikekwento ko nalang po mamaya, please save him I think he's poisoned," ani ko. Mabilis naman kumilos si Sir Bres, kumuha agad siya ng blood sample at wala pang isang minuto ay lumabas na ang data sa hologram.

"Yeah, it's the organic compound Urushiol. Originally it can be found from the plant named poison ivy, pero mukhang nagawa nilang i extract ang organic compound na 'yon at ginamit sa weapon laban sa inyo, I'll take care of him Elise, mabilis lang 'to hintayin mo muna kami sa labas. And after this, I need to atleast know what happened, okay?" ani Sir Bres. Wala naman akong ibang magawa kundi tumango nalang sa kanya. Sinulyapan ko si Carter na nakahiga at nawalan na ng malay, humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas ng office ni Sir Bres.

Ilang minuto rin akong naghintay pero bawat segundo ay paulit-ulit kong naalala ang nangyari sa kanya, hindi ko alam bakit ang bigat ng pakiramdam ko. What if he was hit in a fatal spot? I don't think I'll be able to witness something like that, I don't wanna lose him.

Lumabas si Sir Bres at mabilis akong tumayo sa pagkakaupo, tulak niya sa wheelchair si Carter na wala paring malay at may benda na sa braso.

"Kelangan niya lang magpahinga, habang hinahatid natin siya sa isang bakanteng kwarto, baka pwede mong ikwento kung anong nangyari sa inyo?" wala naman akong magagawa kundi ang sumunod.

"Sinundan ko siya sa ravenwoods, may nakita kaming naka cloak na babae na may in and out access sa portal. Lagpas safe zone na iyon banda at sigurado ako na alam niyang hindi na matatrack ang kahit anong pag gamit ng ability kapag lumagpas ka sa boundary ng Cross Institute. Hindi pa po kami sigurado kung isa siyang hidden o isang neolutionist, pero malakas po ang kutob ko na..." pinutol ko ang pagsasalita at napatingin kay Sir Bres, alam kong mahirap magbigay ng paratang ng basta-basta, pero sino lang naman ang maglalakas-loob na pumasok sa vicinity ng Cross Institute na confident na hindi mahuhuli? Kundi taga rito lang din.

Project X (published via Sanctum Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon