Chapter 22: Frostbite

11.7K 488 22
                                    

ELISE'S POV

I never thought that I'll have a good sleep considering the fact that it was cramped and the position wasn't at its best but it turned out to be the opposite.

Sinubukan kong maingat na mag shift sa kama pero nagulat ako nang maramdaman na parang naging spacious na ang paligid, at hindi na ako nakasandal sa headboard kundi nakahiga na nang tuluyan. Mabilis akong dumilat at naupo, nakita ko si Carter na nakaupo sa may paanan ng hospital bed at nakatingin lang sa akin, mukhang inaantay akong magising.

"Good morning," aniya. Mabilis naman akong na conscious at sinuklay ang buhok ko. "Kanina ka pa gising?" tanong ko. Napansin ko rin na tinanggal niya na ang injection ng IV niya kaya't mabilis akong lumapit sa kanya at sinipat ang kanyang noo.

"Ayos kana ba? Medyo may konting lagnat ka pa kagabi ah," ani ko. Pero mukhang ayos na siya at hindi na rin naman siya mainit.

"I'm okay," his gaze soften and the intensity of his stare is too much to handle so I had to look away. "That's good then," napatingin ako sa kuko ko at hindi na makapagsalita.

"Let's go. It's just 5am and we can still sneak back to our dorms to get changed before our class starts, I think your friends are still fast asleep."

Mabilis kaming lumabas ng medical wing at sa likod ng main building dumaan para walang makapansin sa amin, pagkarating namin sa bukana ng dorm ay nagpaalam na kami sa isa't-isa.

"I'll see you later," nginitian niya ako bago tuluyang tinahak ang daan sa boy's dorm. Mabilis naman akong naglakad papunta sa unit namin ni Flare at dahan-dahang pumasok. Nakadapa siya sa kama at ang lakas ng paghilik niya, mabuti nalang at hindi pa siya gising.

Nagmadali akong kumuha ng tuwalya at dumeretso sa banyo para maligo, hindi ko mapigilang humikab ng ilang beses. Alam kong nakatulog ako ng maayos pero kulang pa rin sa akin matulog ng halos tatlong oras lang. Di bale, lalabanan ko nalang 'to ng kape mamaya.

Habang nag aayos ako ay nagising na rin si Flare, kinukusot niya pa ang mata niya habang mabagal ang kilos at saglit na napatingin sa akin.

"Puyat ka? Mukha kang zombie, nagbasa ka na naman ng libro hanggang madaling araw 'no?" tanong niya. Wala naman akong ibang magawa kundi tumango at ngitian nalang siya.

Mabilis lang ang oras at lutang akong pumapasok sa klase hanggang dumating ang lunch at lahat kami ay nasa cafeteria.

Habang bitbit ko ang tray ng mga pagkain ay hindi ko napansin na kasabay ko na si Carter sa paglalakad.

"Still sleepy?" aniya habang nakangiti.

"Yeah," tumango ako at tipid na sumagot, wala akong ibang gustong gawin kundi matulog pero may afternoon classes pa ako. He tugged at my ponytailed hair and laugh at me. Mukha nga naman akong naglalakad na zombie, napansin kong nagtinginan ang mga kaibigan ko sa likuran namin nang mapansin ang ginawa niya.

Nilingon din ni Carter ang mga kaibigan ko at pinasadahan sila isa-isa ng tingin, "hey." aniya at tumango ito bago umalis.

"Anong nakain non?" ani Zion. Alam kong hindi sila sanay na medyo nagiging friendly si Carter habang tumatagal. Kahit ako nagugulat pa rin ako sa pagbabago niya, pero masaya ako na unti-unti na siyang nasasanay na hindi mag-isa.

Pagkarating namin sa table namin ay mabilis kong nilantakan ang pagkain ko, gagamitin ko ang natirang oras para umidlip. Nauna akong natapos kumain at yumuko ako sa lamesa, kahit twenty minutes lang mag p-power nap ako.

Project X (published via Sanctum Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon