ELISE'S POV
It's almost dinner time at nandito kaming lahat sa cafeteria.
"Nadetention ka daw kasama si Carter?" naunang nagtanong si Fenrir na kaharap ko sa lamesa, tumango naman ako sa kanya at nilantakan yung pagkain ko. "Ano namang nangyari?" pakikiusisa ni Flare.
Napairap ako sa ere, "Well, it's horrible," naalala ko na namang nakatulog ako sa balikat ni Carter. Pakiramdam ko nag-init yung mukha ko. Sana hindi nila napansin!
I didn't noticed it! Hindi ko man lang naramdaman. Napasarap ata ako sa pagkakatulog, gaano kaya ako katagal na nakatulog do'n? I shook the thought away. Kadiri lang. Buti nalang mas nauna akong nagising kay Carter kaya nakaalis ako agad sa pagkakasandal sa balikat niya.
Naramdaman niya kaya? Pero bakit hindi niya tinanggal? O baka naman napasarap talaga tulog niya at hindi niya napansin. Sana lang. Kasi nakakahiya.
Kinwento ko naman sa kanilang lahat yung nangyari pagkatapos ng inuman session sa kwarto namin ni Flare, hanggang sa kung ano ang sinabi namin kay Mrs. Perez at hanggang sa loob ng detention. – ofcourse I removed the part where I fell asleep on his shoulders. That's an ew.
Mabilis lang lumakad ang mga araw at halos naging busy ako dahil nagpatong patong ang mga aaralin ko. Habang naglalakad ako pababa ng hagdan, may tumawag naman ng pangalan ko mula sa sixth floor. "Elise!" napalingon ako sa boses nung babae, hindi ko naman siya kilala pero anong kailangan niya?
"Community service. Pinapasabi sayo ni Mr. Jones na hinihintay kana ng kasama mo. I guess, it comes up with cleaning the library, storage room or the training room."
Oh, crap. The detention happened two weeks ago and I wasn't called to do any community service after that. Akala ko nakalimutan na nila.
"Your community service is still effective daw. Kanina niya lang sinabi, punta kana diyan sa may storage area. Hinihintay ka na 'non." nagpasalamat nalang ako at dumeretso na doon.
Nasa sixth floor lang din naman kaya narating ko agad. Di kalayuan napansin kong nakatayo na si Mr. Jones sa may pintuan, nasa side niya sa Carter na naka halukipkip lang at nakasandal sa pader. Nung nakalapit na ako, sinimangutan naman ako ni Mr. Jones. "you're 5 minutes late, Elise." I really want to roll my eyes. But that would be disrespectful kaya yumuko nalang ako.
"Two weeks Community Service, three hours every other day, simulan niyo na." he opened the door and ushered us in, nung nakapasok na kami, he closed the it and I heard a clanking sound. "Did he locked us?!" I asked Carter with a panicked voice, saka pinihit yung doorknob, it's locked!
"Ba't naman niya tayo kinulong dito?" I asked in a high pitched voice.
"Bubuksan niya din yan after three hours." he answered, with a firm voice.
"Huh. Naninigurado. As if namang tatakas ako." Kainis. Quotang quota na ako sa kamalasan. Ano bang nagawa kong mali sa dati kong buhay at pinarurusahan ako ng ganito?
"Ba't ba palagi akong nadadamay sa gulo mo?" napabuntong hininga siya at nilagpasan ako.
Nagkunwari nalang akong hindi narinig yung sinabi niya at nilagpasan siya. Aminado naman ako, I was the one who dragged him into this mess. Indeed, Mr. Jones is evil, to give us community service before dinner, three hours every other day for 3 weeks?! Now community service sucks.
Inikot ko ang paningin ko sa storage room, Ilang taon naman na kaya 'tong hindi nalinis? Kadiri lang. Puro agiw, may mga sapot pa ng gagamba, at yung mga alikabok sa mga stacks ng libro at bookshelves, ilang inches naman kaya kakapal 'yon?
Sa may gilid ko, may lalagyan do'n ng walis tambo, tingting, basahan, duster, spray, dustpan at kung ano anong panglinis.
"Let's do this." lalapit sana ako do'n sa walis tambo pero hinila ni Carter yung wrist ko paharap sa kanya. "May nakalimutan ako." with his free hand, he fished something in his pocket, and pressed it into my right palm. Napatingin ako at narealize ko, it's a wad of tissue. "Hindi ko alam na naglalaway ka pala pag tulog,"
BINABASA MO ANG
Project X (published via Sanctum Press)
Science Fiction[TAG-LISH] "hiddens" are species who have an altered genome in their DNA and is considered a genetic failure that has evolved during conception and is considered higher than the average human in terms of intelligence and capabilities. Elise is an...