ELISE'S POV
Maaga kaming gumising at lahat kami naka-assemble na sa school grounds.
"Alam kong lahat kayo'y hindi na makapaghintay. Kaya't simulan na natin! " may malaking hologram screen sa harap ni Mrs. Parez, nagpipindot siya ng kung ano-anong controls at nagpalabas ng isang portal sa tapat ng school gate. Kinalabit ko si Jeanne sa likod ko. "Saan tayo pupunta?"
"Sa Falias. Nandodoon ang Arena para sa power combat." pinaglinya kami at pinaderetso sa portal. Pinaka-ayoko talagang paraan ng transportasyon ang portal, dahil para akong nahuhulog at paikot ikot sa ere, matiwasay naman na ang naging landing ko ngayon, pero naubo pa rin ako.
Dumampi ang kakaibang aura ng paligid sa akin, kasabay ng maraming palakpakan at hiyawan, pero bakit ang daming tao?! Nasa gitna kami ng isang stadium na napaliligiran ng maraming bleachers. At ang daming audience. Naghanap ako ng makakalabit na malapit sa akin, si Khal naman ang nakita ko.
"Huy! Dito ba ang arena? Para naman tayong maglalaro ng soccer sa world cup tournament. Or is it like Achilles? Pagrarambolin ba tayo hanggang sa isa nalang ang matira or is this some kind of 'The Lady and the Tiger? ' are we going to choose between some kind of bars unsure if a lady or a beast was hiding and we are going to fight it?" ang dami kong nasabi, yung setting naman kasi. Pakiramdam ko nasa isang scene kami sa Achilles or Pompeii or some kind of roman ways of entertainment.
Umiling siya, "Stadium lang 'to ng Falias." at may tinuro sa pinakagitna ng stadium, may malaking kung anong black hole. "What the? Don't tell me dadaan na naman tayo sa isang portal?" nakakainis naman sila.
Kung saan saan nila kami pinapalusot, buti sana kung komportable sa pakiramdam, kaso hindi e. para kang malalagutan ng hininga.
"Yun ang itineris, doon tayo papasok para makarating sa mismong arena. Buong Taga Falias ang naririto. Panonoorin nila tayo." napaikot naman ang tingin ko sa mga naglalakihang translucent screens sa kada sulok ng stadium. Para talagang world cup.Pero napansin ko sa pinakagitnang posisyon ng bleachers, may tatlong mas malalaking upuan na tig-kalahating metro ang layo sa isat isa pati na rin sa mga regular na bleachers. Ang tatlong council head. Si Madam Eleonore, Sir Carson at Sir Sire. Nakaka-intimidate naman yung aura nila kahit ang layo layo naman nila sa akin.
Nagsilabasan ang mga pader sa bawat sulok ng stadium na may mga nakasabit na mga sandata. They instructed us to pick our side weapons. Ang badge na kayang mag transform sa kahit anong uri ng weapon ang main weapon ko, I might use it as a bow and arrow or a sword. I chose to strap different sizes and types of daggers onto my waist and knee, and a pair of 8 inches pistol. I was about to grab a spear when someone stopped me. "It's not convenient to carry a lot of weapons. I know you'll choose to flight and run instead of attacking. Magiging pabigat lang yan sayo, mahihirapan kang tumakbo."
Nagulat ako sa kumakausap sa akin. He's the same version of Carter I met when I just got here in the Institute. I rolled my eyes at him. Tinignan ko siya ng masama at napatingin rin ako sa kung anong weapons ang dinala niya. He's just carrying an arm length sword strapped at his back, based sa crest sa handle ay alam kong iyon ang badge niya. And a total of 3 daggers strapped on his knee and ankles.
He's hostile. Alam kong galit pa rin siya sa akin. Pinili ko nalang na hindi makipagsagutan ss kanya at talikuran siya at maglakad, pero damn. Tama nga siya, saka ko lang naramdaman yung bigat ng dala dala ko nung gumalaw na ako. Baka isang oras palang akong nasa arena, sumakit na ang katawan ko.
Pumihit ulit ako paharap at nagsimulang magbawas. Five daggers remained. Nang mapatingin ako sa kanya, nginisian niya lang ako at umalis. Ang arogante niya talaga nakakabwisit!

BINABASA MO ANG
Project X (published via Sanctum Press)
Fiksi Ilmiah[TAG-LISH] "hiddens" are species who have an altered genome in their DNA and is considered a genetic failure that has evolved during conception and is considered higher than the average human in terms of intelligence and capabilities. Elise is an...