Chapter 27: Gone

10.9K 442 13
                                    

ELISE'S POV

THE dining hall was already prepared for a feast. Madami ang bumabati sa amin pero alam kong madami rin ang hindi tanggap na nakapasok ako sa elites.

Kung sa pakiramdam ng iba ay unfair, alam ko rin iyon sa sarili ko na sinwerte ako. Kahit pagbali-baliktarin ang mundo, masakit paring malaman na mas mahina ka. Alam kong masyado pang maaga para maging member ng elites, wala pa ako sa kalingkingan nila Jap at Calvin na nasa Top 18 at 19. Pero ito lang ang paraan para mas maging hands-on ako laban sa neolution. I have my own agenda and I'm already desperate. Wala na akong pakialam sa tingin ng iba.

Wanting time all by myself, I have decided to slip out of the crowd and go to the school's pond instead.  The cold breeze trickled my skin, comforting me. I sat under the small oak tree.

"Feeling guilty?" nagulat ako sa nagsalita sa tabi ko. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi napansin ang pagdating niya.

"Wala naman akong pinagsisihan," ani ko.

"Being guilty is different from having regrets," sabi ni Carter. Napalingon ako sa kanya habang nakatingin siya sa malawak na pond.

"I know I don't deserve it, pero ayoko siyang pabayaan." humugot ako ng malalim na hininga bago nagpatuloy.

"Wala kaming pinagsamahan ni Stan, we weren't even friends. But I owe him my life, hindi lang isang beses. It's also a cruel world out there. Bilang isang dalaga na nakatira mag isa sa apartment, it pose a greater risk of being harmed. During those times na late na ako nakakauwi at nakakasabay ko siyang maglakad, akala ko nagkataon lang dahil magkalapit lang ang bahay namin pero pakiramdam ko sinasadya niyang siguruhin na nakakauwi ako ng ligtas. Ilang beses may nagtangkang sumunod na lalaki sa akin pero naiiwasan kong may mangyaring masama dahil lagi kaming magkasabay umuwi," this time nilingon na ako ni Carter at mas lalong naging attentive sa kinekwento ko.

"May narape at napatay na babae malapit sa school, dahil lagi siyang walang kasama. That could've been me." iniiwasan kong hindi maiyak dahil naaawa ako sa sinapit nung babae. I can't even imagine that happening to me.

"It's my turn to protect him now." maliit ang boses kong nasabi. Hinawakan niya ang kamay ko tipid na ngumiti. "He's so lucky. I hope someday, someone is also afraid of losing me,"

Hindi ko magawang makapagsalita. I'm so sorry for not being honest, Carter. If I could only tell you how much you means to me. Pero sa oras na gawin ko 'yon ay alam kong hindi mo na ako hahayaang mawala sa tabi mo. And I can't put you at risk, too. Di baleng ako nalang.

Hindi ko namalayan na matagal na pala kaming nakatitig sa isa't-isa. I'm getting lost in his eyes, nakikita kong nagpapabalik-balik ang tingin niya sa mga mata at labi ko.

He's slowly leaning forward and I couldn't move, I don't want to move. I want this to happen. Ito lang ang pagkakataon na uunahin ko ang sarili ko.

Dumampi ang labi niya sa akin, at bago pa iyon magtagal ay mabilis akong lumayo at napalingon sa ravenwoods, kaya't sinundan niya rin kung saan ako nakatingin ngunit wala naman akong makita bukod sa purong kadiliman at silhouette ng mga puno.

"Something doesn't feel right, let's go. " he takes my hand firmly and starts to walk at a fast pace.

"Naramdaman mo rin iyon? I feel like someone is watching us. Pero bakit hindi nag ingay ang mga sensors at alarm?" tanong ko, masyado siyang mabilis maglakad at nahihirapan akong sabayan siya.

Napasigaw ako nang bigla kaming may marinig na pagsabog di kalayuan. Paglingon namin ay nagkapira-piraso ang malaking gate ng Cross Institute. Tinulak ako ni Carter sa direksyon ng main building. "RUN!!!"

Project X (published via Sanctum Press)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon