ELISE'S POV
00:40
Fourty minutes s bago matapos ang power combat. Napadungaw ako sa scoreboard, naka flash sa kulay blue na ilaw ang mga pangalan namin na nandidito pa sa arena habang ang mga naka flash sa red ay ang mga nadisqualify na. As usual, si Carter ang nangunguna. Si Lia, Jeanne, Khal, Zion at Fenrir, lahat sila ay nasa Top 20. Kung nasaang lupalop man ng arena si Khal, Zion at Fenrir, sana hindi dumating sa point na kailangan ko silang kalabanin para makakuha ng points.
Kaming dalawa ni Cassie ang nasa labas ng Top 20. Alam kong gusto niya rin maging elite, hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko ay may mali.
But I don't trust her.
Habang naglalakad ay bigla nalang nawala sa paningin ko ang mga kasama ko. Nagpalinga linga ako para hanapin sila pero wala akong makita ni isa.
"Lia? Carter? Asan kayo?" nagpapanic na ako at halos hindi na mapakali. Impossible, magkakalapit lang kami kanina at nakasunod lang ako sa kanila.
"Elise," nanindig ang balahibo ko nang makarinig ako ng pamilyar na boses. Napalingon ako at hindi makapaniwalang nandidito siya ngayon. "Stan?"
What is happening? Anong ginagawa niya rito?
"Papano ka nakapasok dito? May access ba ang dimension niyo rito?" di makapaniwala kong tanong.
"We don't have time. You're not safe here! This is all a scheme, sumama ka sakin I'll get you out of here!" mabilis niya akong hinawakan sa braso at hinila.
"Wait lang, teka." nagpatinaod ako sa hila niya at pinipilit siyang huminto. Naguguluhan pa rin ako.
Nang makarating kami sa may bangin ay saka lang siya tumigil. "We have to escape, now!" aniya.
"What do you mean? Dito?" turo ko sa ibaba. Wala akong ibang makita kundi napakalalim at madilim. Hindi ko sigurado kung tubig ba ang kababagsakan ko niyan o kung ano.
"Do you trust me? I'm here to save you." aniya. Nilahad niya ang kamay niya at naghihintay na abutin ko 'yon. Si Stan, isa sa pinaka pinagkakatiwalaan ko ng buhay ko ay nandidito ngayon pero ang buong sistema ko ay nakakaramdam ng panganib.
"Stan, naalala mo ba nung nakasalubong kita sa 7/11 kasi magkalapit lang tayo ng apartment, nagkasundo tayo na since magkaklase rin naman tayo ay araw-araw na tayong sabay pumasok sa school? Doon tayo mas naging malapit, hindi ba?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya pero natawa siya ng mahina. "Oo naman, naalala ko iyon syempre. Bakit bigla mong natanong? Wala na tayong oras, kailangan na natin magmadali," nakalahad pa rin ang kamay niya at pinipilit niya akong kunin iyon. Kahit na nakangiti ang mukha ni Stan sa akin ay halata kong nauubusan na siya ng pasensya.
Liar. Kahit kailan ay hindi nangyari iyon dahil hindi naman kami nagkausap ni Stan noong mga panahon na pareho pa kaming nasa St. Mary's.
Mabilis kong kinuha ang trench knife sa waistband ng pantalon ko at isinaksak iyon sa may dibdib niya.
Hindi makapaniwalang mukha ang iginawad niya sa akin at unti-unti ay nawawala ang imahe ni Stan sa harap ko at bumabalik sa pagkatao ni Cassie.
"If you think you can fool me with your mind tricks, nagkakamali ka." I hissed. Mind manipulators can assume someone's identity, they can appear as a different person in your perception. The most vital part about that is being able to use the people you care about to fool you. That was foul, si Stan pa talaga ang gagamitin niya laban sa akin ngayon na sobrang pre-occupied ako kakaisip kung paano ko siya ililigtas mula sa neolution.
Biglang naging pula ang pangalan niya sa scoreboard at nagf-flicker iyon, ibig sabihin ay malapit nang maging flat ang lifeline niya dito sa arena at anytime soon ay madidisqualify na siya.
"You bitch! Kung matatalo man ako, I'll take you with me!" hindi ko inaasahan ang paghila niya sa akin at ang bigla niyang pagtalon sa bangin. Parang nag slow motion ang paligid habang unti-unting nawawala ang pagkaka apak ko sa lupa at naisasama niya ako sa paghulog.
Nung akala ko ay tuluyan na rin akong madidisqualify kasama si Cassie ay may humablot ng kaliwa kong braso mula sa gilid ng bangin na siyang pumipigil sa amin ni Cassie para tuluyang mahulog.
Napalingon ako kay Carter na nakadapa na sa lupa at hirap na hirap na nakahawak sa akin. Dahil nakakapit pa rin si Cassie sa may binti ko ay halatadong hirap na hirap na siya.
"Come on, hold tight! Abutin mo yung isa ko pang kamay," aniya. Sinusubukan ko pero hindi ko pa rin maabot at kitang kita kong nagsisilabasan na rin ang mga ugat niya sa leeg. Natatanaw rin ng paningin ko si Jeanne at Lia na may mga kalaban kaya't hindi nila kami magawang tulungan.
"Come on, just let me go Carter. Madadamay ka pa!" ani ko. Kinakabahan ako dahil baka pati siya ay mahila ko rin pababa.
"Don't you want to save him? Then why are you giving up easily? You're almost at the 20th spot!" sigaw niya. Doon lang ako naliwanagan kung bakit hindi niya ako pinabayaan sa arena. Tinutulungan niya ako para makapasok sa Top 20. Para maging part ng project X.
Saka ko lang na realize na basang basa ang pisngi ko dahil sa luha. Napapikit ako at napabuntong-hininga.
Why are you so selfless, Carter?
"I know how much he means to you. That makes me want to protect you more. I want to see you be brave, do this for him." kahit na kitang-kita ko ang pagkadurog ng puso ni Carter sa mga mata niya, he still choose to encourage me.
Sinilip ko si Cassie na nakakapit sa binti ko at pinipilit akong hilain sa mga kamay ni Carter.
"Go to hell." buong pwersa kong sinipa ang ulo niya dahilan para mawala ang kapit niya sa akin at tuluyan nang malaglag sa kawalan. Mabilis akong nahila ni Carter paitaas hanggan sa tumama ako sa braso niya.
Hinayaan ko siyang yakapin ako habang nakakabawi siya sa pag alala. "Thank God, you're safe." bulong niya.
Mabilis din kaming dinaluhan ni Lia at Jeanne. Tumunog ang indicator ko, senyales na nadagdagan ang points ko.
Napatingin kami sa itaas nang marinig namin ang unti-unting pag countdown mula 10 seconds.
00:00
Nagbago ang scoreboard at katabi ng number 20 ay ang pangalan ko. Pumailanlang ang boses ni Mrs. Perez sa arena bilang hudyat na tapos na ang power combat.
"Congratulations, to the new set of Elites."
![](https://img.wattpad.com/cover/24511022-288-k277253.jpg)
BINABASA MO ANG
Project X (published via Sanctum Press)
Fiksi Ilmiah[TAG-LISH] "hiddens" are species who have an altered genome in their DNA and is considered a genetic failure that has evolved during conception and is considered higher than the average human in terms of intelligence and capabilities. Elise is an...