ELISE'S POV
"HANGGANG KAILAN KA magiging ganito?" Hindi ko pinansin si Stan na nakasandal sa pintuan ng kuwarto ko at patuloy ko lang na pinagmasdan ang labas ng bintana. Ang kuwartong kinalalagyan ko ay nasa pinakatuktok ng Grail Tower. Wala akong ibang makita sa labas kundi bundok, kalangitan, mga ibong nagliliparan, at magandang kuha ng araw sa tuwing ito'y sisikat at lulubog, at ang buwan na nagbibigay-liwanag sa aking silid. Ngunit hindi ako makaramdam ng kasiyahan sa mga bagay na ito kagaya ng nangyari kay Rapunzel, dahil kahit kailan, alam kong walang Flynn na maghihintay sa akin at hihilinging ibaba ang buhok ko.
It's been two months since Carter's death and it's been two months since I felt like my life was gone. I was so angry and hurt that it made me feel numb and lifeless.
"Ano'ng ginagawa mo sa sarili mo? Hindi ka kumakain at hindi ka umaalis sa silid na 'to."
"We understand that you're mourning for Carter's death, but this is getting out of hand. Pinababayaan mo ang sarili mo. And you don't even want to talk to any of us. Ikaw lang ba ang nagluluksa, Elise? Ikaw lang ba ang nawalan? Hindi, di ba? Pero bakit ikaw lang ang nagkakaganito? Stop being so childish. You know death is a normal thing. It's inevitable."
Death is a normal thing. It's inevitable.
Nagpanting ang mga salitang iyon sa tainga ko ngunit hindi ko pa rin kayang tanggapin.
"You don't have to destroy yourself. Patay na siya at wala ka nang magagawa." Namanhid ang tainga ko sa inusal ni Stan kaya't hindi ko napigilang kunin ang flower vase sa tabi ng aking kama at ibato sa direksyon niya.
"Shut up! Shut up! Shut up!" Tumayo ako at humarap sa kanya na may nanlilisik na mga mata.
"Ganyan! Ilabas mo ang galit mo! Hindi 'yong nagmumukmok ka!" Lumapit siya sa akin at hinawakan ako sa magkabilang braso. "Don't let your anger destroy you. Use it to make you stronger. Use your loss to be a better person than before. Don't let Carter's death be in vain."
He died protecting me. Parang may mga karayom na tumutusok sa dibdib ko at sumisikip ito. Kung hindi lang sana ako naging importante sa kanya, e di sana buhay pa siya ngayon. Nakikita ko siyang naglalakad sa hallway nang nakapamulsa at malamig ang tingin ng kanyang mga mata. Nakikita ko pa sana kung paano siya maging arogante sa lahat at maging mayabang. That damn cold guy is gone.
It was my fault. At kahit araw-araw kong pagbayarin ang sarili ko, hindi ko na kayang maibalik ang buhay niya.
"What should I do?" Napayuko ako at hinayaan ang mga luha kong tumulo. My body would've collapsed on the ground if it wasn't for Stan leaning over to carry my weight. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang mga luhang dumadausdos dito.
"Umaasa kami sa 'yo." His hands had always been warm, it wasn't what I want. I have always been clinging to Carter's hands—it was cold. But Stan's hands were enough to comfort me.
"We need you, Elise. This war isn't done yet. We need you." His eyes were pleading, and I know they wanted someone they can depend on.
Nag-iwas ako ng tingin at nagpakawala ng isang malalim na hininga.
ANG RESEARCH NI Alena ay tungkol sa immortal cells. Henrietta's cells were the first immortal human cells ever grown in culture. They were essential to developing the polio vaccine. HeLa cells are immortal, meaning they will divide again and again and again.
BINABASA MO ANG
Project X (published via Sanctum Press)
Ficção Científica[TAG-LISH] "hiddens" are species who have an altered genome in their DNA and is considered a genetic failure that has evolved during conception and is considered higher than the average human in terms of intelligence and capabilities. Elise is an...
