ELISE'S POV
Napa aga ang wake up call kinabukasan. Pinatawag kami sa headquarters at dumating na rin si Mr. Jones galing sa Falias City. Mayroon na naman daw ulit kailangang idagdag sa pinag usapan kahapon.
"Napag alaman ko kasing ang experiment na ginawa ni Victoria sa mga walkers ay matatapos sa hatinggabi at ia-activate niya ang mga ito. Dumating na ang araw na pinakakinatatakutan nating mangyari. Ang bloodmoon." isa isa niya kaming tinignan.
"Ibig sabihin, ang nasa prosesong experiment na ginawa niya kapag hindi natapos ay magiging walang buhay na nilalang ulit ang mga estudyante at hindi tuluyang magiging walkers. Kaya ang kailangan niyong pagdesisyunan ay kung ilalabas niyo ang katiwalian sa pagitan ni Victoria at ng mga Heads sa lalong madaling panahon o isasabay niyo ito sa araw ng bloodmoon. "
"If you want to save the students, and let them rest in peace, then the best option would be the latter. Pero marami ring magiging kumplikasyon. Kontrolado ni Victoria ang mga walkers. If you want the connection to be broken, you should keep an eye on her when the war happens. May chip siyang nilagay sa mga ito para mas ma control niya, kailangan niyong i deactivate ang master control na nasa kanya. Para hindi na lumala ang casualties. Kung aatake naman tayo ng mas maaga, it will be at our own advantage. Hindi niya magagamit na panlaban ang mga newborns na ginagawa niya. Mga tauhan niya nalang na tapat na nasa loob at labas ng palasyo ang kanyang aasahan. And that would be lesser to deal with. But ofcourse, the choice will be yours. Tumango si Mr. Jones sa direksyon ko. Lahat na sila'y nagsitinginan na sa akin, tila nawala ang nagbabadyang antok ko at napalitan ng pagka balisa.
Napatingin na rin ako sa mga kaibigan ko. Hindi rin ako makapagsalita.
Mas praktikal nga naman na piliing sumalakay nalang bigla habang hindi handa si Mrs. Perez. Mas malaki ang tsansa na malupig ang mga kampon niya.
"Gusto kong iligtas ang mga estudyanteng iyon."
"Pero naiisip mo rin ba na ang bloodmoon ang araw na pinakadelikado para sayo? Iyon ang pagkakataon ni Victoria na hinihintay niya. " tanong ni Mr. Jones na medyo parang tinatanggal sa balanse ang desisyon ko.
"Pag uusapan na naman ba natin ang tungkol dito? I'd be willing to risk my life for them. Iyon naman talaga ang dapat kong ginagawa dahil iyon ang obligasyong naka asa sa akin. "
Lahat sila ay nagsipagtanguan. Tila naiintindihan nila ang pinanggagalingan ko.
"You're getting mature as time passes. " ngumiti si Mr. Jones sa akin at sa unang pagkakataon ay nakatanggap ako ng puri mula sa kanya.
"She's not gonna stop ." Fenrir murmured as we made our way to the medical wing.
"So what do we do now? " tanong ni Zion.
Napabuntong hininga ako bago sumagot sa kanila. "We keep an eye on her, and we wait for the bloodmoon. "
Si Elle ay nandidito rin sa tower ngunit hindi ko siya nakita pa. Magaling at maingat siyang nagtatago upang hindi magpakita sa amin.
Hanggang ngayon ay wala pa rin siyang kaalam alam na matagal ko ng natuklasan na nandidito siya at isa siya sa mga alipores ni Mrs. Perez.
Mrs. Perez doesn't even know there's a conspiracy behind her back. Wala siyang kamuang muang sa mga nangyayari.
Hindi na kami pumunta sa sikretong base ng Alliance bilang grupo kundi pares pares nalang para hindi makahalata si Mrs. Perez dahil hinigpitan niya ang schedule namin sa pagt-training.
BINABASA MO ANG
Project X (published via Sanctum Press)
Science Fiction[TAG-LISH] "hiddens" are species who have an altered genome in their DNA and is considered a genetic failure that has evolved during conception and is considered higher than the average human in terms of intelligence and capabilities. Elise is an...