Chapter 2 - Eastshore Village

2.4K 50 24
  • Dedicated kay Eu Ann
                                    

MAY GINAWA PO AKONG MAP PARA MAS MADALI NATING MAINTINDIHAN YUNG STORY. THANK YOU PO *_* ANDIYAN LANG SA TABI-TABI YUN. I-CLICK NIYO NALANG :D

____________________________________________________

Natulala si Jennica sa napaka laking gate ng kanilang bagong Village. Pero bago sila dumeretso sa kanilang bagong bahay ay nag-tungo muna sila sa Village Office upang kunin ang mapa ng buong Village. Nagulat si Jennica sa nakita niya. "Ang layo pala natin! Nasa pinaka dulo na pala tayo Lola." Wika ni Jennica sa kanyang Lola. "Wala tayong mamagawa iha. Ang mga magulang mo ang nag-desisyon na dito tayo tumira. Kaya wag ka na mag-inarte diyan!" 

"Grabe ka naman lola! Pumunta na nga sa bago nating bahay." At tuluyan na muling sumakay ng taxi si Jennica at ang kanyang Lola. Nadaanan nila ang napaka gandang playground at ang Village Pool. Pinagmasdan ni Jennica ang napaka laking mga bahay at siya ay namangha. "WOW! PANG RICH KID! IBA NA TALAGA TAYO LOLA!" Sigaw ni Jennica sa kanyang lola.

At tuluyan nang nakarating sina Jennica sa kanilang bagong bahay. "Eto na pala." Wika ni Gem.

Pinagmasdan muna nila ang bahay mula sa labas. Mayroong gate at door bell ang harap ng bahay, hanggang second floor ito at mayroong terrace. Nilanghap nila ang napaka sariwang hangin at hanggang sa tuluyan na silang pumasok sa loob ng kanilang bagong bahay.

Pagdating nila sa loob ay nakita nila ang napaka-luwag na paligid. Wala pa kasi silang mga appliances, nang biglang dumating na ang truck kung saan naroon ang mga kahon may may mga lamang iba't ibang kagamitan. "Ipasok niyo na lang yan sa loob ng bahay. Salamat po." Utos ni Gem sa mga lalaking nag deliver ng kanilang mga gamit.

Umakyat si Jennica sa second floor at pumunta siya sa may terrace. At saka niya nakita ang lumang bahay kung saan naroon ang tirahan ni Vincent. Pero kung ikukumpara ito sa mga ibang bahay na nakita niya, ito ay luma na at punong-puno ng mga harang na kahoy sa bintana maging sa pintuan, at may mga karatulang nakasulat na "NO TRESPASSING" at "KEEP OUT"

---

Kinahapunan, naisipan ni Jennica na maglibot sa buong village. Namamangha pa rin siya sa mga bahay na nakikita niya, nang bigla niyang nakita ang sikat na artista na si Hilary. "OH MY GOD! Si Hi... Hi... Hilary! IDOL KO SIYAAAAAAAAA!" Sinundan niya ito hanggang sa Pearl Street. At pumasok na ito sa isang bahay sa tabi ng simbahan. Hindi pa rin siya makapaniwala nasa magandang lugar siya. Minu-minutong ding may dumadaang mga security guards sa paligid ng village. 

Maya-maya lamang ay nakarating na siya sa Smith St. Kakaunti na lamang ang mga bahay na nakikita niya dahil nasa gilid na siya ng Village, nang bigla siyang nagtaka sa nakita niya. Ang dulo ng Smith Street ay may harang na mga barbed wire. Nilapitan niya ito at sinilip kung ano nga ba ang mayroon sa lugar na iyon. Hanggang sa nakita niya ang napaka-lalim na bangin. "Ano bang meron dito? Nakakatakot naman, baka hindi na ko mabuhay kung malalaglag ako sa lugar na 'to." Bulong siya sa kanyang sarili.

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon