Kasalukuyang nagbabantay si Ivan o si Vincent sa kanyang teddy bear shop nang bigla siyang nakakita ng mga bulldozer na papasok sa loob ng Eastshore Village. Nagulat siya at nag-taka. Wala siyang kaalam-alam kung ano ang nangyayari sa loob.
At sa sobrang pag-tataka niya ay isinara niya ang teddy bear shop at dumaan sa kweba upang maka-dating sa lumang bahay. At nakita niya na patungo ang tatlong bulldozer sa kanyang tahanan. "Anong gagawin nila?" bulong ni Vincent habang pinagmamasdan ang mga sasakyan sa napakaliit na butas ng bahay.
At habang pinapanuod niya ang mga sasakyan ay may isang babaeng naglakad patungo sa gitna ng kalsada. Ito ang namumuno sa loob ng Eastshore Village na si Ms. Carla. Napakadaming taong nakapaligid sa kanya, at karamihan ng ito ay ang mga mga mamamayan ng Eastshore, kasama sa mga tao sina Jennica, Lola Gem, Luhan, Guardian, at ang nanay ni Luhan na si Camille. Siya ay nagsalita habang may-hawak na megaphone...
"NARITO ANG MGA BULLDOZERS NA YAN UPANG SIRAIN ANG LUMANG BAHAY NA ITO. NAPAG-DESISYUNAN NA NG MGA NAMAMAHALA SA EASTSHORE NA TULUYAN NANG GIBAIN ANG BAHAY DAHIL SA PAGKAWALA NI LOLA GEM. MEDYO MAGIGING MAINGAY LAMANG ITO NG ISANG ORAS PERO MAMADALIIN DIN NAMIN ANG PAG-SIRA UPANG HINDI NA MAKA-ABALA PA SA MGA NANANAHIMIK NA RESIDENTE. YUN LAMANG PO AT MARAMING SALAMAT."
Nagulat si Vincent sa mga narinig niya "Hindi... Hindi ito maaari. HIndi ako papayag na masira nila ang bahay ko!". At ang ibang mga taong naka-paligid sa labas ng bahay ay sang-ayon sa gagawin ni Ms. Carla. "OO. Tama lang yan... medyo nakakatakot din kasi yang bahay na yan eh... dapat lang talaga sigurong sirain na yan ng tuluyan..." bulong ng isang nanunuod.
Si Vincent ay nag-madaling nag-hanap ng mga bagay na maaari niyang gamitin upang mapigilan ang mga sisira sa kanyang bahay. Nang bigla siyang may-naisip. "Meron pala akong mga granada sa basement... Sisirain niyo pala ang bahay ko ah... Pwes... Makikita niyong lahat ang gagawin ko. Hahahaha!" Sabi nito habang natatawa. Nagmadali siyang kunin ang mga granada sa basement at nagmadaling tumakas sa likod ng kanyang bahay. Walang ibang nakakita sa kanya dahil nag-tago siya sa likod ng mga puno. "ORAS NA PARA MANG-GULO!" Wika nito.
Nagmadali siyang nag-punta sa playground dala-dala ang isang bag na puno ng granada. Nakita niya ang mga inosenteng bata na nag-lalaro, nag-hahabulan, nag-tatawanan at nag-kakantahan sa lugar na iyon. Tinitigan ni Vincent ang mga bata sa 'di kalayuan nang bigla siyang may naalala. "Yung teddy bear na binigay sakin ni Papa... Nami-miss ko na siya... Pero napaka-sama nilang lahat! PINAG-KAITAN NILA AKO NG PAMILYA!"
___________________________________________
1991
"Vincent!!! Nandito na 'ko!" Sigaw ng Papa ni Vincent habang naka-ngiti. Nagmadali namang tumakbo si Vincent upang yakapin ang kanyang ama. At bigla siyang nag-taka. May kakaibang dala ang kanyang papa. "Papa... ano po 'yang dala mo? Yung nasa loob ng kahon." mahinang sinabi ng inosenteng si Vincent.
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael