Chapter 20 - Crystal

1.3K 34 10
                                    

Nakabalik na ang dalawa sa Eastshore Village. Naglalakad sila pauwi at hindi napigilan ni Jennica na pag-usapan ang nangyari sa kanyang lola noong nawala ito.

“Naaalala mo ba yung lumang bahay na pinuntahan natin dati?” –Jennica

“Oo. Kaso nahuli tayo ng mga security guards nun diba? Bakit mo pala naitanong?” –Luhan

“Ikinuwento kasi sakin ni Lola na galing siya sa lugar na yon nung nawala siya.” –Jennica

“Huh? Paano nangyari yun?” –Luhan

“Sa Basement! May kweba kaso hindi maalala ni Lola kung sino ang dumukot sa kanya, may suot daw kasing face mask. ” –Jennica

“Si VINCENT yun.” –Luhan

“Paano mo nasabing si Vincent yun?” –Jennica

“Diba nga, siya yung dating nakatira sa lumang bahay. Hindi na siya natagpuan pa. Paano kung nandito lang siya at pakalat-kalat sa lugar na ‘to. Dapat siyang mahuli ng mga pulis.” –Luhan

“Oo nga. Pero paano siya mahuhuli kung hindi natin alam ang kanyang itsura.” –Jennica

“Yun nga ang problema natin ehh. Kaya dapat mas mag-ingat na tayo. Akala ko naman multo yung nakikita ko sa tuwing nadadaanan ko ang lumang bahay. Pero sa tingin ko, si Vincent lang yun. At saka napaka daming posibilidad na nandito lang siya sa Eastshore.” –Luhan

“Katulad ng alin?” –Jennica

“Noong nagpunta tayo sa lumang bahay ni Guardian, may nag kulong satin para hindi na tayo maka-labas pa. Tapos yung kumuha sa Lola mo, pwedeng siya din yun. At saka yung nag-pasabog ng mga granada sa playground at sa bulldozers, alam kong siya din yun kasi galing sa loob ng bahay niya ang mga granada.” –Luhan

“...at yung mga nawawalang tao.” –Jennica

“Oo nga pala. Yung sikat na si Hilary, hanggang ngayon hindi pa rin natatagpuan.” –Luhan

“Posible rin kaya na si Vincent ang pumatay kay Ms. Carla?” –Jennica

“Hindi malayong mangyari yon. Lalo na’t si Ms. Carla ang nagpasimuno na papuntahin ang mga bulldozers dito.” –Luhan

At habang nag-lalakad silang dalawa ay pinagmamasdan sila ni Vincent sa 2nd floor ng kanyang lumang bahay. “Hindi na kayo mag-tatagal pa. Kailangan ko ng mga bagong stuffed toys...” bulong nito.

“Isang linggo nalang pala kayo dito sa Eastshore ahh. Edi iiwan mo na pala ako...” –Luhan

“Hindi ko hahayaang mang-yari yun. Gagawa ako ng paraan para hindi kita maiwan dito.” –Jennica

Stuffed Inside (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon