Habang kasalukuyang nanunuod si Jennica ng TV ay biglang may nag doorbell. Hininaan niya ang volume ng TV at agad siyang tumayo sa kanyang kina-uupuan.
Sumilip siya sa bintana at pinagmasdan niya kung sino ba iyon. Pero wala siyang nakitang kahit isang tao sa labas ng gate. Ibinaba niya ang kurtina at muli niyang ipinagpatuloy ang panunuod ng TV.
Nang biglang may nag-doorbell ulit.
Agad na tumakbo si Jennica papunta sa bintana pero wala nanaman siyang nakitang tao, sa sobrang inis niya ay bigla siyang tumakbo sa pintuan at agad na binuksan ang pintuan. Nang biglang bumulaga sa kanyang harapan ang pagmumukha ni Luhan! "AHHHHHHHHHHHHHH!" Sigaw ni Jennica. "Ginulat mo 'ko! Ikaw ba yung nag do-doorbell kanina?" Tanong ni Jennica habang nakahawak sa kanyang dibdib. "Ayyy sorry... OO ako yun! Nag-sintas kasi ako ng sapatos baka kaya hindi mo ako nakita.". Sagot nito. "Ehhh bakit ka ulit nag doorbell?" Muling tanong ni Jennica. "Ehhh hindi mo kasi ako pinagbubuksan ehh, pagkatapos kong mag-doorbell, napansin kong bukas yung gate niyo kaya pumasok na 'ko. Sorry kung ginulat kita ahh." Muling isinagot ni Luhan.
"Bakit ka pala nag-punta dito?" -Jennica
"Binigyan kasi ako ni Daddy ng pera, aayain sana kita na kumain sa labas." -Luhan
"Uhmmm. Sure, sige... Wala namang pasok ngayon ehh. Tara na." -Jennica
"Sige... ngayon na." -Luhan
"Wait lang ahh. Magpapalit lang ako ng damit, hintayin mo 'ko ahh." -Jennica
Agad na umakyat si Jennica sa kanyang kwarto at nagmadaling nagpalit ng damit. At si Luhan naman ay naiwan sa harapan ng bahay.
---
Habang naghihintay pa rin si Luhan ay hindi niya alam na nag-mamasid si Vincent sa di kalayuan. May dala-dala itong martilyo upang ipangpalo sa ulo ni Luhan. At makalipas ng sampung minuto ay lumabas nasi Jennica sa loob ng bahay, nag paalam ito sa kanyang Lola at tuluyan na silang umalis.
"Bumalik ka agad iha ahh!" Sigaw ni Gem habang naglalakad papalayo ang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/24514733-288-k575781.jpg)
BINABASA MO ANG
Stuffed Inside (COMPLETED)
HorrorStuffed Toys... Malambot, maganda, at masarap yakapin. Pero paano kung ang niyayakap mo ay may lamang kakaiba sa loob. Ano kaya yon? :) #Horror #Mystery #Thriller Written by: Lee Rafael